[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Pasko ng mga Pinoy

ang mga pinoy talaga!!! nakaugalian nang mamili ng mga bagong gamit tuwing Pasko…namimili ng bagong damit, sapatos, christmas lights, parol, at mga dekorasyon. gustong laging may hamon, lechon, at keso de bola sa hapag-kainan. nag-iimbita ng maraming bisita. namimigay ng maraming regalo.

tuwing Pasko, nag-iiba ang ihip ng hangin..kasabay nito ang pagbabago ng mga tao. akalain mo, sa dinami-dami ng araw at oras para mamili ng bagong damit, tuwing disyembre pa nakikipagsisksikan sa mga malls at palengke. tuwing Pasko lang din nagmamano ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang.. dahil syempre, nun lang merong regalo! pero pag simpleng araw, swerte nang magpansinan sila pag nagkasalubong sa daan. tuwing Pasko lang din nagkakasama ang mga magkakamag-anak. nun lang magbabatian at magkukumustahan. tuwing simbang gabi lang napupuno ang mga simbahan. puno nga, sobrang ingay naman.. at nakakalungkot isipin na kaya lang nila gustong makabuo ng simbang gabi ay para matupad ang christmas wish nila.

bakit ganun?

bakit kailangan ng bagong damit at sapatos? kayo ba ang may birthday?

bakit kayo humihingi ng mga regalo at aginaldo? diba dapat si Jesus ang bigyan ng mas maraming regalo ngayong Pasko?

bakit kayo ang may christmas wish? diba dapat wish ni Jesus ang masunod?

alalahanin lang po natin na ang Pasko ay hindi para sa atin at sa mga makamundo nating kahilingan. ito ay tungkol sa pagsilang ni Jesus.. Sya ang tunay na diwa ng Pasko. Sya dapat ang bida.

kaya mga Pinoy, ayusin natin ang buhay natin ha!

Merry Christmas!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s