[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Saan?

bukang-liwayway palang nang ako’y magising. hindi maganda ang tulog ko.. halos lahat sila’y himbing na himbing parin sa higaan. nakakainggit sila! hindi man lang sila dinadalaw ng mga bangungot na laging bumabagabag sakin.. ayun sila, nakangiti pa habang naghihilik.

masakit ang ulo ko! bumangon ako upang kumuha ng inumin ngunit bigla akong nahilo. inakay ako ni nanay, na noo’y naghahanda na nga almusal, patungo sa aking higaan. pinainom nya ako ng tubig at sinabi,”sabado ngayon.walang pasok.matulog ka pa.”

pero parang ayaw na akong dalawin ng antok. nakatingin lang ako sa puting kisame ng maliit at madumi kong kwarto, nag-iisip ng kung ano-ano. pilit kong inaalala kung ano’ng ginawa ko kagabi kung bakit sumakit ang ulo ko…ayun, alam ko na! gumawa ako ng projects kagabi..sandagunot na projects..

tumunog yung alarm clock ko. 6 am na! pero ayos lang. sabado naman ngayon. matutulog dapat ulit ako nang biglang may kumatok sa kwarto ko. pinapasok ko si yaya at nagmamadali sya, sabi,”ms. himeno, tatanghaliin po kayo nyan eh! lunes pa man din!” nagulat ako. ibig-sabihin, panaginip lang yung kanina? hehe! ermm, kagabi.. naku, misyon nga pala ang ginawa ko kagabi at hindi projects. saka hindi naman masakit ang ulo ko wah!

nagmamadali ako.. hinatid ako ni hayate sa school. nandun si yayoi.. saka yung stepsisters kong sina mawata at mayune. ayos naman ang school! si hayate rin ang sumundo sakin. tapos, umuwi kami sa mansyon at nag-ensayo ng bagong techniques at magic spells. ang sarap ng dinner namin ngayon! sa bagay, lagi naman eh! medyo maaga akong natulog dahil sa pagod…

hindi pa ako masyadong nahihmbing nang may gumising sa akin. “gigay, gising na. kumain ka na!” “naku, 9 am na.. masyado na akong late sa school.”…sabi ni nanay,”anong late? eh sabado nga ngayon. mamamalengke tayo.”

pagsakay namin sa jeep, natulog muna ako. malayo pa naman ang palengke. matagal pa bago kami bumaba.

“hoooy! himeno, gising na.” nagulat ako. pagtingin ko, si hayate pala..”nasan na tayo.”sabi ko… “nandito na sa france.” france?? bakit?

naguluhan kayo?? ako rin eh, naguluhan! ano ba talaga? ang gulo!!!

(pero kung gusto nyong malaman ang totoong kwento, email or chat nyo nalang ako. ok? hehe.. lol,)01012007004_5 1138279695

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s