[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

the lost sheep

” dati, kayo ang lagi kong kasama… sa mga gimmicks, strolls, parties, at sa kung ano-anong lakad lang pero laging masaya. dati, kayo lagi ang kakwentuhan ko, kabiruan, kadaldalan, kaasaran..at higit sa lahat, ka-jamming sa kantahan. naaalala ko pa nga ang mga tawa’t halakhak ng bawat isa..at ang mga irap ng mata kapag may nag-aaway. parang kahapon lang ang mga practice natin..ang vocalization, voicing, head tone, at kung ano-ano tono ng musika. tandang-tanda ko parin ang mga song interpretations natin..ang gabi-gabing praktis, mga dress rehearsals, ang pagsayaw-sayaw sa simbahan, at syempre, ang merienda. miss ko narin ang mga picnics natin sa bukid..ang mga ulam at snacks na magkakasama nating pinagsasaluhan, saka ang open forums, aminan, mga kwentuhan at tuksuhan.

“lahat yon, gusto kong mangyari ulit. pero sa ngayon, may kailangan pa akong patunayan sa sarili ko at sa iba.. sana pag bumalik ako, matanggap nyo parin ako…at sa araw na yon, para sa inyo, promise kong hindi ko na kayo iiwan..”

uhmm, sulat ko yan para sa isa kong barkada. matagal ko nang ginawa iyan, pero hanggang ngayon, hindi ko parin naibibigay..hehe! nakakahiya na kasi. miss ko na nga sila weh. medyo nagtatampo na nga sila sakin kasi hindi na ako sumasama sa kanila sa mga lakad nila. ang dami kasing pumipigil sakin,., ang daming hadlang,., ang daming may ayaw. kakaasar!

nagkikita parin naman kami..pero hindi na masaya tulad ng dati., sana maibalik yung dati naming samahan. ayokong mawala sila sakin. mahalaga rin sila at importante. dati nga, ako pa ang nagsabi na hindi kami magkakahiwalay. bakit? kasi, sa simbahan kami unang nagkita-kita… and a song binds us together.

“miss you guys!”

Advertisements

One response

  1. wehhhh, pwede namang magcombine ang mga kabarkada mo wahhh, hahahaha!

    January 1, 2007 at 10:08 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s