[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Please, gigz,,

“Please, gigz..help me..” hay, sobrang daming beses ko nang naririnig yan, tagalog man o ingles ang salita. ako lang naman ang lukring na tanungan ng mga nawawalang kalabaw, ang windang na takbuhan ng mga walang magawa sa buhay, ang tagapagpatawa sa mga umiiyak na bata, ang tagapakinig sa mga taong walang masabihan ng chismis, at ang all-around chimay, friend, adviser, joker, helper, texter, at kung ano-ano pang nakakabaliw na bagay-bagay na pwedeng gawin sa mundong ibabaw..

minsan, natanong ko sa sarili ko kung pinanganak ba akong ganito.. na ginagampanan lahat ng pwedeng gampanan sa buhay ng mga nakakakilala sakin.. at naisip ko rin, bakit hindi ako makatanggi sa kanila? na kahit nagmumukha na akong tanga, sige parin ng sige.. basta kaya, ginagawa.. basta gusto, ayos lang.. basta nasa mood, papayag naman.. hay, ang hirap talagang maging mabait!! (echos!)

ang dalas-dalas kong nakakatanggap ng mga text messages na may nakalagay na “ui, patulong naman oh,”.. o kaya naman, “gigay, panu ba gagawin ko?”.. at minsan, kahit wala akong load, nakikitext ako para lang masagot sila. nakakarindi nang marinig yung mga kwentong paulit-ulit na.. yung mga problemang hindi matapos-tapos.. yung mga tanong na kaya naman talaga nilang sagutin.. ako kasi yung klase ng tao na “ako yung gusto mong maging ako”.. kung gusto mo, maging emotional ako pag magkasama tayo, kakayanin ko yun.. kung gusto mo naman, hindi ako magsalita pag kasama mo ako, ayos lang sAkin.. kung gusto mo, sandamakmak na praises o criticisms ang ibigay ko sayo, pwede rin.. kaya siguro ang daming humihingi ng tulong sakin. ang daming nagpapatago ng secrets sakin.. ang daming nagcoconfide sakin.. kasi, kaya kong maging iba, pero nananatili parin yung true self ko.. yung parang kaya kong sabihin yung gusto nilang marining pero hindi ako nagiging plastik..

pero, merong mga nagsasabi sakin na sa katutulong ko sa iba, hindi ko na naiisip ang sarili ko. nagagawa ko raw magbigay ng magagandang advices at comments pero hindi ko naman maayos yung sarili kong problema.. hindi ko naman matulungan yung sarili ko.. puro sila nalang yung iniisip ko.. puro sa iba yung atensyon ko.. at sa kaiisip ko sa kapakanan ng iba, napapabayaan ko na yung sarili ko.. hindi ko alam kung ano nga bang mali sa akin. pero sa tuwing nag-iisip ako ng malalim, nare-reALize ko na tama nga sila.

pero masayang tumulong eh..kahit nakakarindi o nakakainis minsan, nakakagaan naman ng loob kapag nalaman kong isa ako sa mga nakasama nila sa panahon ng pangangailangan.. at kahit isang simpleng ngiti lang mula sa umiiyak na mukha, ayos na ako.. isang thank you lang, masaya na ako.. ganyan ang pagmamahal diba? ang pagbibigay nang walang hinihintay na kapalit.. kaya kahit meron akong mga problema, hindi parin ako magsasawang tumulong sa iba. kasi, ang buhay nila ay karugtong na ng buhay ko!!

dahil sa mga paghingi nila ng tulong sakin, nalalaman kong importante rin pala ako sa kanila.. na may silbi rin pala ako sa mundo,. na may pumapansin din pala sakin.. yun siguro ang misyon ko sa buhay.. ang pagtanungan ng nawawalang kalabaw, ang takbuhan ng mga walang magawa sa buhay, ang magpatawa sa mga umiiyak na bata, ang makinig sa mga taong walang masabihan ng chismis, ang all-around chimay, friend, adviser, joker, helper, texter, at kung ano-ano pang nakakabaliw na bagay-bagay na pwedeng gawin sa mundong ibabaw.. at ang pagsabihan ng “please, gigz…”

Advertisements

One response

  1. That’s reALLy sweEt of youRS. Now, LEt me Say it AGain, “PleAse, GIgz..”.. Luv yah, sis!

    March 19, 2007 at 11:36 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s