[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

si gigay pakialamera

siguro, pakialamera talaga ako… but i can’t help it! hindi ko kayang manahimik nalang habang may nakikita akong taong nasasaktan. hindi ko kayang hayaan nalang silang magkagulo. ayokong mawalan ng hustisya… pero, sa ginagawa ko kaya, nakakatulong pa ako? o mas lalo ko lang pinapagulo ang sitwasyon???

>< i’m not really close to the involved persons. wala nga akong pakialam sa kanila dati eh. pero nung marinig ko yung inis at sakit na nararamdaman ni weenya, hindi ko mapigilan yung sarili kong “umepal” sa life nya. that was just hours ago. parang gusto kong pagaanin yung loob nya pero wala akong magawa… kasi hanggang ngayon, napapaisip parin ako kung tama nga ba yung ginawa ko… kung ayos lang na magbigay ako ng opinyon…kung lumagay ba ako sa dapat kong kalagyan… o baka sa huli, ako pa yung lumabas ma may kasalanan. natatakot akong makialam. pero naisip ko rin, ano nga bang dapat kong ginawa in the first place? magtanga-tangahan na hindi ko alam? magkunwaring dedma lang? that’s the point eh! i know the truth… so i have to tell it… (kahit may manganib na friendship?) i have to stick onto it… (kahit may magkagalit dahil dun?)

now i’m trapped on a really bad situation… and i don’t know what side to take… kasi, nabigla lang naman talaga ako… it was something out of nowhere… and then, the next thing i knew, nagalit na si weenya sa involved kong bestfriend. and what shall i do? i want them to make up… i want this to be okay… i want everything to go back to the normal… but how?!!

Leave a comment