[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

..the party (part 1)..

“Hey, don’t be such a dunce, man!” sabi ni Kuya Lawrence.


“First, I’m not stupid, duh! Second, I’m not a ‘man’…” badtrip kong sagot.


“Wow! Angelica, you know the word ‘dunce’! Pa-cheeseburger ka naman!” nakangiting sabi niya.


Ooopzz! Hindi po ito commercial… Si Kuya Lawrence ang nagda-drive ng kotse namin habang papunta kami sa bahay nila. Kasama namin si Nathan na nakasakay sa passenger’s seat habang ako naman ang nakaupo sa backseat. Tahimik kaming tatlo sa nakalipas na sampung minuto at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng nakabibinging katahimikan.


“Just drop it, Lawrence.” Hindi ko alam kung bakit mataray ako pero siguro nabadtrip talaga ako dahil ngayon lang nag-effort magsalita ang isa sa kanila. Pang-asar ang tingin niya sa rearview mirror kaya inirapan ko nalang siya.


“Cheeseburger! Cheeseburger!” biglang singit ni Nathan. Huminto si Kuya Lawrence sa gilid ng kalsada (Syempre! Alangan namang sa gitna ng kalsada diba?). Then, sabay silang tumingin sa akin at nagkauntugan sila. Hay! Sino nga naman ba ang hindi maiinis ‘pag may kasamang dalawang ‘dunce’? Pero imbis na maasar ako, humalakhak pa ako ng tawa.


“Nakakatawa rin pala ang katangahan n’yo, noh? Tara, cheeseburger muna tayo!”


Ilang minuto pa, nasa McDonald’s na kami, kumakain ng cheeseburgers, French fries, at chocolate sundaes. Speaking of the food, medyo naubos yung pocket money ko dahil sa magkapatid na kasama ko. Mantakin mo naman, ke-yayamang mga tao nitong mga kasama ko tapos ako pa ang pinagbayad! At ‘di na sila nahiya… Hindi ko alam kung nagugutom lang talaga sila o pinagtitripan nila ako dahil andami nilang inorder. Hmf! Hindi na sila naawa sa isang abang katulad ko. (Nagdrama pa konti!) And speaking of food again, party nila ang pupuntahan namin. I mean, party ni Nathan. In the most common sense, maraming food sa party na yun. Hayz! Pero gusto parin nilang kumain sa isang fastfood chain na puro antataas ng calories ng binebentang pagkain. I’m watching my weight nga eh. Summer vacation kasi ngayon and I tend to gain extra pounds ‘pag bakasyon. Sighs ulit. Sabagay, hindi naman iniintindi ng mga lalaking ‘to ang weight nila. Or is that mass? Mass or weight, whatever! Ayun, basta kain lang ng kain. Hindi naman sila tumataba. In fact, nagkakaroon pa sila ng abs. Siguro, mabilis lang ang metabolism nila. Saka malay ko ba kung nagji-gym sila.


“Hoy, Angelica, gusto mo na bang tumira dito sa McDo? Aba, we still have a party to crash!” sabat ni Kuya Lawrence sa naliligaw kong ulirat.


“Blah blah blah, Lawrence! Party-crashers? Isn’t it stupid to crash one’s own party?” tanong ni Nathan.


“Yeah, it’s stupid… which makes me think that you two would really do it. C’mon stupid nutshells!” may pagka-señoritang singit ko habang binababa sa table yung hindi ko naubos na cheeseburger. Humirit pa ako ng isang lagok ng iced tea at lumakad na papunta sa car.


“FYI, Ms. Blabbermouth, I don’t intend at the very least to crash my own party. Hmm… si Kuya Lawrence lang naman yung nagsasabi ng kung anu-ano diyan eh.” Sabi ni Nathan na hindi talaga kayang tanggapin na tinawag ko syang ‘stupid nutshell’.


Nakikisabay ang mga daldalan namin sa mahinang tugtog ng Air Supply hits sa component ng sasakyan. Hindi parin nila tinitigil ang topic about party, party-crashers, party outfits, party food, party decors, slumber parties, dinner parties, na nauwi na sa political parties. Ano daw?!! Hindi naman ako masyadong nakikinig sa usapan nila dahil mas feel kong pakinggan yung music.


Nakarating naman kami sa bahay nila nang safe. Well, ‘safe’ means flat tire na pinagawa pa sa vulcanizing shop, muddy and rocky road na shortcut daw kaya dumaan pa kami sa car wash, at ketchup na natapon sa jeans ni Nathan. At least, hindi naman kami naaksidente whatever.


Sinalubong kami ni Ate Deng sa parking lot. Napansin kong maraming nang nakapark na sasakyan doon. There are 10 cars at least, and many other motorcycles. Madami palang bisita si Nathan, I see. Bumaba si Nathan at inalalayan ako. He put my hand on his arm and we started walking towards the front door.


“Do you think we should go in through the front door nang ganyan ka ka-messy?” binulong ko kay Nathan.


“Oh, shit! Buti pinaalala mo. I felt great na kasi basta kasama kita weh. (*wink*) Pero, now that I remembered, I really need to change clothes. Hindi naman pwedeng mas gwapo pa sa akin si Mac sa sarili kong party diba?”


“Yep! Dun tayo sa backdoor magdaan. Then, I’ll help you choose your outfit.”

Advertisements

One response

  1. ann

    hmm..muzta nmn un? hehe

    April 14, 2009 at 3:03 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s