[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

sa alaala ni manong… at nating dalawa..

noong bata pa si manong, nagtitinda s’ya ng taho. tayo naman, hindi pa lubusang sumisikat ang araw, naghihintay na sa tarangkahan para bumili. hindi kumpleto ang araw natin kung hindi natin narinig ang malakas na boses ni manong. malayo palang, kinakawayan na natin s’ya. “mga batang suki,” ang lagi n’yang bati sa atin. dahil sa naging suki na tayo ni manong, palagi n’yang dinadagdagan ang sago at arnibal ng taho natin. ang sarap diba?

ganyan ang buhay nung mga bata pa tayo. bukang-liwayway palang, hindi na tayo naghihiwalay. mula sa pagbili ng taho sa umaga hanggang sa pagkain ng balot sa gabi, magkasama tayo. kambal-tuko, kung sabihin nga nila. pero nakakatuwa. sa araw-araw na magkasama tayo, ganun at ganun din ang ginagawa nating dalawa. laro…laro…laro…kain…ligo…laro…laro…laro… pero hindi tayo nagkasawaan.

ay!
nagkasawaan din pala.

matagal nang lumipas ang mga nakasanayan nating gawin. pinutol na ang punong madalas nating akyatin. kumupas na ang kurtinang dating nakalagay sa bahay-bahayan natin. tuluyan nang nawala ang ginagamit natin sa taguang-tsinelas. wala na tayong paliparan ng saranggola. wala nang garter para sa ten-twenty.

at…

sumakabilang-buhay na si manong. wala na ang paborito nating taho na tinitinda n’ya tuwing umaga. hindi na kumpleto ang araw natin. hindi narin tayo bata, ating naisip.

parang kailan lang diba? ngunit parang sandaang taon narin ang lumipas. ang dami nang nagbago. nagbago na ang tindero ng taho. nagbago na tayong dalawa. hindi na tayo nagkakasama araw-araw. lalong hindi na tayo nakakapaglaro. alaala nalang ang lahat. pati kaya ang pagkakaibigan, alaala nalang?

hay! pero sana, sa muling pagkikita nating dalawa, pa-cheeseburger ka naman! miss na kita wehh, sobra..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s