[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

..venue: McDo..

..buti nalang at naisipan kong tigilan ang hunger strike sa pilahan. kung hindi, baka nakagawa na ako ng eskandalo doon. o kaya naman eh hinimatay na ako. at most of all, baka hindi ko nakilala si Radge (hindi totoong pangalan)..

..enrollment namin ngayon. 8am palang ay nakapila na ako sa kuhanan ng form 5. ayy, bago pala yun, nagpakatanga muna ako sa lobby. patingin-tingin. patanong-tanong. at nang mapagod na ako sa pagpapakatanga, nilapitan ko na si manong guard.. haha! edi ayun, isang oras akong nakatengga doon. then nag-fill up ako ng sandamakmak na papers. lumipat naman ako sa kabilag building. akyat ng stair hanggang 3rd floor. and guess what! pila ulit. tapos kalahating oras sa post-advising something. then balik ulit sa AS para sa student fund. hayz! at lakad naman sa main library para sa clearance. pila. balik ulit sa AS. pila ulit para sa validation. tagal ng pinila ko tapos hindi pa pala pwedeng mavalidate yung form 5 ko kasi something something. haha! azar lang. dun ko naisip na kumain sa McDo. para mawala namang yung sama ng loob ko.

..sa McDo, tahimik akong kumakain. siguro dahil wala na akong energy para magsalita. kasi naman, salita na ako nang salita sa mga pilahan. hehe.. saka isa pa, tahimik talaga ako dapat kasi wala naman akong kasama’t kausap. anyway, sa medyo kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko sa burger at fries ay may kumausap sa akin.

“Pwede bang makiupo dito? wala na kasing vacant table eh.”

pagtingin ko sa guy na nakatayo sa harap ko, shit, ang gwapo! umandar na naman ang radar ko.

“Uhh, sure. Cute ka naman eh,” sabi ko na walang kahiya-hiya. hindi ko alam kung san ko nakuha yung newfound courage na yun. haha!

medyo nagblush sya sa sinabi ko. at di ko mapigilang sabihing, “pero mas cute ka pala pag nag-buh-blush.” with that toothpaste model smile of mine.

nagblush na sya ng todo. :))

anyway, this was the story.

ayun, nagkakwentuhan kami obviously. sa UP rin pala sya nag-aaral. at enrollment din nya ngayon. AT inisip din nyang tigilan muna ang hunger strike. many times i told him na gwapo sya. all those times he denied it. sya yung shy-astig type. parang ewan. yung tipong buong mundo na ang nakakaalam na gwapo sya, sya nalang ang hindi naniniwala. ako naman, ayun, super insistent. napagtripan kong pagtripan sya. para lagi syang nag-buh-blush. hanggang sa pagbalik namin sa UP, pinipilit ko sa kanya na gwapo sya. (yeah, sabay kami hanggang payment). at ayun, naniwala naman sya ng slight.

..after lunch, edi bumalik nga kami sa AS. yung the rest ng gagawin sa enrollment, parang ang bilis nalang kasi kakwentuhan ko sya. parang hindi ko pinansin yung pagod kasi kasama ko sya. (senti naman nun!) pero yeah, no kidding. he eased my burdens. o baka naman talagang ganun lang ako sa mga gwapo. hahaha!

..lalo na nung tapos na kaming magbayad. and it was time to go na. parang… it was so hard to say goodbye. parang ayoko syang iwan. :)) (senti talaga!) pero ayun, dumating narin ang jeep at huminto sa tapat ko. kailangan ko nang sumakay dahil pinara ko si manong driver. i waved goodbye. he did the same. and we said “see you soon!” at the same time. :))

..ngayon ko lang nalaman na may mga tao parin palang handsome na walang kabuntot na vanity sa katawan. haha!

..ayun, crush ko nga sya. at crush ko lang sya. i like Chad (totoong pangalan).. hahaha! sinabi ko rin pala yung real name nya. nag-effort pa akong mag-isip ng UNreal name. haha!

Advertisements

2 responses

  1. jaimee

    naks! haha.. labet! Ü naka-enroll na ku. Ü sa wakas, haha. Ü

    November 5, 2008 at 2:01 PM

  2. ..haha.. thanks, mee.. sa wakas naman! haha.. but it means malapit na talaga ang pasukan.. aww.. see u soon.. ^^

    November 5, 2008 at 2:50 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s