[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Barkada Ko sa Heaven.. (New Year Na!)

Barkada Ko sa Heaven Intro

January 1, nagkita-kita kaming walo sa heaven. Hayun, andami naming dalang food ang drinks galing sa mga bahay-bahay. Marami rin kasing natirang pagkain kagabi kaya dinala na namin dito. Ngayon kami magseselebreyt ng New Year!

yung bespren kong si Wind, may dalang watusi… tatlong kahon! naalala ko, pinagmamayabang nya sa akin sa telepono kahapon na ang lakas na daw ng loob nyang magpaputok ng fireworks. Aba, watusi lang pala ang kaya. Pero syempre, di ko naman sya pinagtawanan o pinahiya. pinuntahan ko lang sya sa fave place nya, sa sanga ng punong mangga, at binulungan ko sya ng, “Talaga bang malakas na ang loob mo? May dala akong boga jan, paputok tayo!” At tama nga ang hula ko… nanlaki ang mga singkit nyang mata (kung pwede pa nga bang lumaki yun) at napanganga. ilang segundo rin ang lumipas bago nya sabihing, “Best naman. Don’t tell me, sineryoso mo yung sinabi ko sa phone kahapon. Watusi lang kaya ang pinaputok ko nung New year’s eve.” Sabi ko naman, “Don’t tell me, naniwala ka namang may boga nga akong dala dito.” Napatingin sya sa akin at nagbuntong-hininga. May trauma parin sya sa mga paputok. hehehe!

Si Oven naman, hayun, nadaganan ko nung nag-somersault ako pagbaba mula sa puno. Buhay nga naman, napakadaming kamalasan. πŸ˜› Pero ayos lang daw yun, at least hindi si Wind yung nakadagan sa kanya. Oo nga naman, think positive. haha! Pero speaking of Oven, mejo ang awkward.. kasi.. ewan! wala lang. parang ewan lang talaga. πŸ˜€

ang tahimik ngayon sa heaven. nakakapanibago. siguro dahil lang sa matinding kabusugan. o talagang nabuburo lang dahil walang magawa. kaya nga nagulat kami nang biglang magsalita si Timtam (na hindi pa nagsasalita simula ng dumating kami dito) at sinabing magsabihan nalang kami ng New Year’s Resolution. Ang kakaiba lang ay hindi ako ang magsasabi ng sarili kong resolution kundi sila. And i’ll offer resolutions for them in return. Grabe, english yun ah! Nosebleed! πŸ˜›

Eto yung resulta ng usapan naming muntik nang maging walang kwenta dahil sa kalokohan namin. Mejo ayos din naman kahit hindi. hahaha!

Wind:

“Magbago ka na!” sabi ko.

“ano nga ang babaguhin?” sabi nya.

“ano pa? edi yung obvious!”

Piggy Bank:

“Please lang, tigilan mo na ang speeches mo para sa ikauunlad ng Pilipinas, sa pag-angat ng ekonomiya natin, o sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Yun lang!” sabi ni Double Dutch.

“Oo nga!” sabi ni Toyomansi.

(silent agreement.. Amen.. Amen..)

Happy-go-lucky:

“Pwede bang magtino ka na?” tanong na parang suggestion ni Ponytail.

“Weh, yung makatotohanan naman oh! Madidisappoint lang kayo nyan.” sabi ko.

Tawa.. Tawa..

“Okay, eto nalang. Magseryoso ka naman, kahit minsan lang.” sabi ni Oven.

Tahimik.. tahimik..

Double Dutch:

“Sana gumanda ka pa!!” sabi ni Wind.

“Sus! yun lang? Ke-dali naman!” sagot nya.

“Sana tumangkad ka na!” sabi ko.

“Sus! Ke-hirap naman! Wag na yun..”

Timtam:

“Change for the better nalang.” sabi ni Ponytail.

“Like how?” tanong nya.

“Maging maingay ka daw. Ganun yun!” sabi ni Toyomansi.

Ponytail:

“Hmm.. Mag-aral ka nalang magsayaw.” sabi ni Double Dutch.

“ha?”

“Debut ko na sa March remember?”

“Mag-aral ka nang kumain ng kwek-kwek at isaw.” sabi ni Wind.

“Bakit?”

“Yun daw handa ng Ate mo sa debut nya.”

Toyomansi:

“Magtipid ka!!” that’s Piggy Bank.

“I should’ve anticipated that..” sabi nya.

“Wow! Nosebleed!!!” sino may sabi nun? hehe!

Oven:

“Wag na matorpe!” sabi ni Timtam.

“Tama yun!!!” sabi nilang lahat.

(Ano daw? πŸ˜› )

Ayun, pagkatapos ng kwentuhan at kainan, nagsimula na kaming magligpit. Mejo nakakalungkot dahil nagtatanggal na kami ng mga dekorasyon. hindi rin namin alam kung kailan ulit kami makakapunta sa munti naming tambayan. Pero sigurado naman kaming mauulit ang ganitong kwentuhan. hindi ko lang alam yung bonggang kainan dahil taghirap na. πŸ˜›

Masaya ako dahil kumpleto kaming lahat ngayon. Sana next time, ganito parin.. kahit may mga konting pagbabago sa amin. ^^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s