[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Xmas Parteh ng Choir~

“ndi na ako magtataka kung solemn ang xmas party nyo.” may nakapagsabi lang sa akin habang kinukumusta yung xmas party ng choir.

pero solemn nga ba?..

parang.. parang hindi eah. kasi naman, tanghali palang, maingay na kami habang preparation ng food. sobra! pasimunuan daw ba ni Kuya Vince at Jhay, patay na! hehe.

like bumanat daw ba si Kuya Vince ng, “Ako ha, aminado akong panget ako. Eto, walang biruan talaga. Panget ako. Malakas lang talaga ang sex appeal ko.”

Sarap lang ibalibag nung mga patatas sa kanya ah!

Ganun lang naman ang mga usapan habang naghihiwa ng carrots, patatas, at kung ano-ano pa.

^^

Alas tres ang call time. Alas sais dumating ang mga kababayan namin. Ako, six thirty. hahaha! Nakabuntot pa sa akin si Janjan. Pero, ayun, nairaos naman ang party kahit walang program.

♫♫♫♫♫♫♫♫

“Hoi, Gigay, maliit ka parin daw sabi ni Kuya Mac!”

“Linchak lang… parang ke-tangkad-tangkad nyo ah.. hehehe!”

♫♫♫♫♫♫♫♫

“Psst, itext mo nalang sa kin yung sagot.” sabi ni Jhay kay Papa Jeff bago maglaro ng pass the message via charade.

♫♫♫♫♫♫♫♫

“Weh, ano ba kasi yung sagot?”

“Baboy na puyat.”

“Ha? Akala ko, asong sumisinga. Tsk tsk tsk!”

“Ang sinagot ko nga, pusang umiiyak eh.”

♫♫♫♫♫♫♫♫

“Ke-dali-dali na nga nung pinapahulaan, di nyo pa nakuha!”

“Nakuha kaya namin, mali lang sya ng intindi.”

“Anu nga sagot nya?”

“Unggoy na dumedede.”

“Tanga, unggoy na kumakain ng saging ang sagot.”

“Kaya nga, sabi ko naman mali lang sya ng intindi.”

♫♫♫♫♫♫♫♫

Nakarating din kami sa exchange gifts, ang last part ng party. Ganda nga ng regalo ko eah. Walong assorted shampoos. Ganda talaga! Pero may mas maganda pa dun. Syempre yung gift ni Jhay. Palanggana na may kasamang Tide. hahaha! Sobra!

Umalis na yung mga bata. Kami nalang ang natira para magsira ng videoke. Mejo nakakalungkot kasi hindi na kami masyadong inuumaga tulad ng dati. Ayun, nag-alisan na kami.

Pero hindi pa ako natulog kaagad.. Nagpakabangag sa bahay eah.

^^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s