[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

“Don’t enter, Chicks inside”

..nasa Virginia na si inang. naisip ko tuloy yung mga kalukahan namin bago s’ya umalis. kunyaring senti mode tayo ngayon. haha!

..saturday morning ang flight ni inang. kaya friday afternoon, lumuwas na sila patungo sa condo ni kuya dino, in the hope of getting a real sleep before she board the plane. pero syempre, hindi naman nangyari yun due to packing and cramming and all. anyway, dinaanan nila ako sa dorm dahil gusto kong sumama maghatid kay inang. turned out na buong barangay pala ang kasama sa van. i mean, kasama si janjan, dete nora with datdat, and nanay [na katumbas talaga ng isang barangay]. sumabit parin ako kasi sayang yung pamasahe ko pauwi. 😀

..and so we went to SM Sta. Mesa, na kami lang ni inang yung naiwan to wait for Sanse, tapos nauna na sa condo yung iba. ayun, konting shopping and kain. pagdating namin sa condo, kumain ulit kami. haha!

..tapos nagsimula nang magulo ang buong ka-condo-han sa pag-eempake ni inang. haha! well, di naman masyado. saka may short lecture si kuya dino about sa itenerary ni inang. tapos tulog-tulog ng konti.

..nung umaga, nagising ako sa ingay ng mga paa sa kwarto. nagbibihisan na pala ang buong ka-condo-han. inaantok pa ako kaya hindi na ako nagpumilit pang sumama maghatid dahil buong barangay naman ang kasama. ayun, nakikain nalang ako. saka natulog ulit.

..tapos, edi nagising ulit ako. naiwan ni inang yung isang jacket na binili namin. tsk3! talaga naman oh!

..ayun, umuwi na kami. 😛

..ayy, yung tungkol sa title.. hahaha!

..kasi ganito yun, kwentuhan sila inang, ama, at dete nora. [not word by word]

“Chu Rene, dapat magpraktis ka na mag-ingles kasi english-speaking na si
Cha Tale pag-uwi n’ya. May kasama pang Amerikano yan.” sabi ni Dete Nora.

“Nako. Magsasabit nga ako ng karatula sa gate. Para pagpasok palang n’yan, makikita na n’ya, ‘Don’t enter, Chicks inside.” sabi ni Ama.

😀 😛 😀

Advertisements

2 responses

  1. haha! ang popsy talaga! waah… kakamiss si mumsy…

    January 20, 2009 at 2:22 PM

    • seshari

      ..hehehe..
      ..in fairness naman, nakapag-english ng de’oras si ama..
      :))
      ..nakakamiss nga si inangski..
      ^^

      January 21, 2009 at 2:35 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s