[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

..ako daw..

polytimer daw ako

hindi raw ako nauubusan ng lalake

torn between too many lovers daw ako


well, sabi yan ni angutch. at hindi po iyan totoo. siguro nga may mga times na magulo akong kausap. na pabago-bago yung isip ko. na nagsasabi ako ng mga bagay na binabawi ko rin naman sa huli. pero ganyan talaga ako. isang complicated na tao.

*************

madali akong magsawa sa mga bagay-bagay. madali akong umayaw at magwalang-bahala. alam kong yun madalas ang dahilan kung bakit ako nakakasakit ng iba. dahil daw palagi akong walang pakialam. dahil daw manhid ako.

pero di nga, manhid nga ba talaga ako?

o baka naman gusto nyong tingnan yung sarili nyo. baka naman kaya wala akong maramdaman ay dahil wala kayong pinaparamdam. baka napapagod nalang akong pilitin yung sarili kong ma-feel yung mga bagay na wala naman. baka kayo yung walang pakialam.

hindi nyo rin naman ako masisisi kung bakit mabilis akong magsawa. ganun talaga kapag kayo mismo yung gumagawa ng paraan para pagsawaan ko kayo. siguro, kailangan ko nalang kayong pagpasensyahan sa mga pagkukulang nyo. pero hanggang kailan naman ako magpapasensya?..

************

thankful narin ako kasi nakausap ko si angutch nung gabing yun. ang dami ko kasing na-realize dahil sa conversation namin. siguro nga dapat kong isipin yung mga ginagawa ko sa buhay. kasi kahit sabihin kong walang namang dapat pakialamanan yung ibang tao dyan, hindi parin nila maiiwasang makialam.

**********

i know, i know, it’s too abstract for you all to understand.

nagsusulat lang ako. walang kwenta. alam ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s