[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

..the party (part 3)..

The party part 1

The party part 2

Sa party, ayaw akong paalisin ni Nathan sa tabi niya. Nakausap na namin ang karamihan sa mga guests. Maraming nagsabing mukha raw akong mas bata kesa sa totoo kong age na 16. Hmm… “Baby face poh kasi ako eh.” Yan ang confident kong sagot with matching Close-Up smile. Lahat sila ay natatawa sa pinagsamang sense of humor naming dalawa. At ang sense of humor ay isa lang sa mga napansin nilang common sa amin.

“Nathan! Bago palang yung kantang Unfinished Love Song diba?” tanong sa amin ni Aj, drummer ng banda nila Nathan.

“Hindi. Matagal na yung kanta na yun. 1 year na siguro…” sagot naman ni Nathan. Teka, parang familiar saken yung title nung song na yun ah. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig…

Tell me you love me, tell me you still care… I think I’ve already heard that song somewhere. Tell me you need me and I’ll always be there.

“Oh? Sino ba ang kumanta nun? Kanina ko lang kasi narinig eh.”

“Ako.” Pagmamayabang ni Nathan.

“Ha-ha-ha! Maniwala! Alam kong magaling kang kumanta pero hindi kapani-paniwalang magaling kang magcompose.” Umiiling pang sabi ni Aj. Narinig kong sinabi sa kanya ng girlfriend niya na iyon nalang ang gawin nilang theme song. Magkakatabi kaming apat nun sa foyer. Okay, sosyal sa term yun para sa living room.

“Sino naman ang nagsabi sa ‘yong ako ang nagcompose nun?” saka tumingin sa akin si Nathan at kumindat. Oh, my! Naalala ko na. Ako nga pala ang gumawa nung kantang yun. Hwehh! Pinaglandakan ni Nathan yung song na yun?

“Si Princess Angel mo ang may gawa ng Unfinished Love Song? Wow!!!” nanlaki ang mga mata nina Aj at ng gf niyang si Weng. At pinagmayabang na ni Nathan ang tungkol sa composition kong mediocre naman ang level. Hindi nga ako makapaniwalang magugustuhan pala nila yung kanta. Last year ko pa iyon ginawa. Tapos, nung makilala ko si Nathan this year, sa kanya ko pinakanta yung song. Sanabi ko sa kanya na ‘wag ipaparinig kahit kanino pero haynako! Sa party pa niya pinatugtog… hmf! Nakakahiya talaga.

“Siguro, mas maganda kung gagawan natin ng music video yung kanta mo. Tapos, malay n’yo, ma-discover tayo ng mga international recording studios sa YouTube diba?” Ayan si Aj, super hyper pagdating sa music. Mahilig magplano ng mga medyo imposibleng bagay. Pero magaling din s’yang magbigay ng false hopes! Hayz! Ano nga kaya kung madiscover kami? Hmm…

“Ayaw kasing ipagkalat ni Angel na magaling s’yang composer eh. Marami daw dadating na offers sa kanya ‘pag nagkataon. Eh priority pa naman n’ya ang studies.” Sabi ni Nathan at nagtawanan kami.

Yupz! Pareho kami ni Nathan na inclined sa music. Siguro, isa narin yun sa maraming dahilan kung bakit ko s’ya nagustuhan. Masyadong talentado si Nathan eh. As in! Halos lahat ng instruments, kaya niyang patugtugin. Pero hindi ko alam kung kaya n’ya ang clavichord saka bassoon.

Maya-maya pa, nakatakas na ako sa hawak ni Nathan. Salamat sa tulong ni Mac. Nakasalubong kasi namin s’ya sa garden.

“Aba, Mr. Nice Guy, ganda ng diskarte mo ah! Kung sinabi mo kagad sa akin na kailangang maghanap ng ka-date para hindi tayo pagkaguluhan ng girls, mas na-enjoy ko sana ang party mo.” Sabi n’ya habang kumakain ng barbecue.

“Feeling nga n’ya kakainin s’ya ng lahat ng babae dito kaya ayaw akong bitawan. As if namang kakagatin ko yung mga babaeng yun ‘pag lumapit sila kay Nathan.” sabi ko.

“Hoy! Iayos n’yo ngang dalawa!” napepesteng sagot ni Nathan.

“Eh paano nalang kung kailangang mag-CR ni Angel? Sasama ka parin ba?” kinindatan ako ni Mac na parang nababasa ang iniisip ko.

“Ngayong pinaalala mo yan, Mac, kailangan ko nga talagang pumunta sa CR.” Pagdudugtong ko. Binulungan ko si Mac ng thanks saka ako lumakad.

“Ahh, pupunta ka sa CR? Tara…” sabi ni Nathan habang inaakay ako papasok sa bahay.

“Hoy, Nathan!! Alam ko naman kaya kung nasaan ang CR dito. Bakit sasama ka pa?” Rhetorical question ko yun.

“Pero, baka—”

“At kung inaalala mo kung kaya kong mag-flush ng toilet, don’t worry… napag-aralan ko yan sa private lessons ko with our tubero.”

Hindi napigilang tumawa ni Nathan. At hndi rin n’ya ako napigilang umalis sa tabi n’ya. Sino ba s’ya para pigilan ang tawag ng kalikasan diba? Pero imbis na pumunta ako sa CR, lumiko ako sa kanan patungo sa favorite place ko sa bahay nila… ang kitchen! Gustong-gusto ko talaga ang kitchen nila Nathan. Kumpleto kasi ang mga kagamitan doon kaya masarap magluto. Doon din ako natutong gumawa ng pastries at magluto ng pasta. Magaling kasing chef yung mommy ni Nathan. No wonder kung bakit expert din s’ya sa pagluluto. At dito rin namin napatunayan na “The best way to someone’s heart is through his/her stomach.”

“All done, tita?” tanong ko kay Tita Dina, mommy ni Nathan.

“Almost, hija…” sagot n’ya habang kinukuha ang isang tray ng baked macaroni sa oven.

“Need a hand?” Pumunta na ako sa faucet para maghugas ng kamay.

Humarap sa akin si tita at sinabing, “Hija, ngayon ko lang tatanggihan ang tulong mo sa kitchen. It’s my son’s party and I want you to be there with him. Enjoy… Saka—”

“Whoa! Okee, okee. Pupunta na ako dun before the long and winding sermon… It’s your territory, not mine, and I know that.” Nakangiting sabi ko habang papaalis na sa kitchen with regrets na hindi ako makakapagluto ngayong gabi. Well, meron namang hired cooks si tita, so I know everything will be just as delicious. Pero siyempre, gusto ko paring magluto.

Pumunta ako sa cocktail bar at humingi ng red wine. 7:30 pm na at hindi pa ako nagdi-dinner. Inisip ko tuloy kung masama ba sa tiyan ng gutom ang pag-inom ng red wine. Nevertheless, I took a sip… and then another… and I felt good. Nakipagkwentuhan muna ako sa bartender at nakipagtalo pa sa kanya kung formal o informal nga ba ang party na ‘to. Medyo may class kasi ang decorations saka pang-formal ang food. On the other hand, informal naman ng outfit namin saka merong videoke at barbecue. Nang mapagod na kaming magsabi ng points kung bakit formal at informal ang party na ‘to, nagkasundo nalang kami na tawaging semi-formal ang party.

Nakita ako ni Nathan at lumakad palapit sa akin. Nang biglang…

“Hello, Nathan! Sorry kung na-late ako wah. Nagkaroon kasi ng problem sa house.” Pa-sweetums na epal ng isang babaeng kadadating lang at hinarang si Nathan. Well, okay… medyo may itsura s’ya at sanay mag-make up. Inakay s’ya ni Nathan papunta sa akin. Sa malapitan, simple lang naman s’ya at mukhang mahiyain. Pero considering her daring act with sweetums effect kanina, no way she’s a shy girl.

“Ella, meet Angelica, yung Princess Angel ko…” pagsisimula ni Nathan. I felt proud naman to the highest level dahil pinakilala n’ya akong Princess Angel n’ya sa isang, well, may itsurang babae. I flashed my Close-Up smile na na-perfect ko na ang effect sa mga taong nakakakita nito. (I mean the you-can’t-help-but-smile-too effect…) So, there… we smiled at each other pero medyo may kaplastikan yung smiles namin. Diplomatic smiles, ika nga. “Angel, this is Ella, girlfriend ko…” introduction ni Nathan.

Advertisements

One response

  1. Pingback: ..the party (part 4).. « My Hideout

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s