[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

mahirap daw magmahal ng isang tambay.

mahirap daw magmahal ng isang tambay, sabi n’ya.

hindi ko alam kung bakit biglang napunta dun ang usapan namin. siguro napagod narin s’yang pag-usapan ang pamilya n’ya. at ang mawawasak nang tahanan. napatingin ako sa kanya, siguro dahil akala ko nagbibiro lang s’ya. wala sa ugali n’ya ang magmahal ng tambay. isa s’yang classy na babae. it’s just way out of her character.

kaya tinanong ko, “pano mo naman nalaman?”

based from experience daw.

hindi ko alam na may other side pala ang pagkatao n’ya. hindi ko rin alam na ganun s’ya nahihirapan sa bahay kaya mas gusto n’yang lumayas nalang. pero mahirap daw lumayas, kaya nakipagbarkada nalang s’ya. isang paraan ng pagtakas sa nakakalungkot na katotohanan sa loob ng bahay nila.

sinabi n’ya sakin kung paano s’ya tumatakas para lang makasama ang barkada n’ya. dahil syempre, hindi naman s’ya papayagan ng mga magulang n’ya na makipagbarkada sa mga tambay na wala daw pangarap sa buhay. gusto n’yang sabihing hindi naman nawawala ang sarili n’yang pangarap sa buhay pag tumambay s’ya. pero hindi naman yun maiintindihan ng mga magulang n’ya.

kapag daw kasama n’ya yung mga kaibigan n’ya, nagiging natural s’ya. hindi nagpapakaplastik sa sarili. hindi nagsusuot ng maskara. hindi natatakot na ipakitang hindi naman s’ya kaiba sa kanila. nakakalungkot daw isiping sila pa yung mas nakakaintindi sa kanya, at hindi yung mga magulang n’ya. pero natutuwa narin s’ya, dahil at least may nakakaintindi sa kanya.

at dahil nga madalas na s’yang sumama sa mga tambay n’yang kabarkada, may nagustuhan s’yang lalaki. na tambay. at kabarkada n’ya.

which brings us back to the first statement.

mahirap daw magmahal ng isang tambay.

hindi mo daw alam kung ano’ng pinapahiwatig n’ya sa tuwing titingin s’ya sa yo. hindi mo rin alam kung kelan s’ya talagang seryoso kasi palagi lang kayong nagbibiruan. hindi mo alam kung sanay ba s’yang magmahal kasi nakikita mo kung pano n’ya loko-lokohin yung mga babaeng nagdadaan sa tambayan n’yo. hindi mo alam kung totoo ba yung pagsasabi n’ya ng “labyu”. hindi mo rin alam kung ang turing n’ya sa yo ay katulad lang din ng turing n’ya sa ibang babae, na pwedeng paglaruan at paiyakin. higit sa lahat, hindi mo daw alam kung dapat mo bang seryosohin yung nararamdaman mo para sa kanya, o ipagwalang-bahala nalang dahil tingin mo wala namang patutunguhan ang nararamdaman mo.

pero nasabi din n’ya sakin na siguro mas mabuti nang hindi magmahal ng isang tambay. naisip n’ya kasi, pag ginawa n’ya yun, mawawala na yung saya. mawawala na yung carefree feeling n’ya dahil nagmamahal s’ya. hindi na n’ya maeenjoy ang mga inuman dahil iisipin n’yang mga patama lahat sa kanya yung mga pinag-uusapan ng mga kabarkada n’ya, na nagiging kumplikado ang buhay pag may lablayp at nagiging korni o keyjey ang mga taong inlab. totoo nga naman, nagiging kumplikado ang buhay pag nahaluan na ng lablayp.

kaya hindi nalang n’ya pinansin yung nararamdaman n’ya. isinantabi nalang n’ya ito para sa ikabubuti ng lahat. para narin hindi nila isiping may kahinaan s’ya. dahil hanggang ngayon, nanlalambot parin daw ang tuhod n’ya sa tuwing kinikindatan o inaakbayan o binibiro s’ya ng mahal n’ya. dahil hanggang ngayon, kahit ano’ng gawin n’yang pagbalewala sa nararamdaman n’ya, hindi ito maalis sa kalooban n’ya.

hindi n’ya ito magawan ng paraan. hindi n’ya matakasan. hindi n’ya maiwasan. hindi n’ya maibaling sa iba.

dahil ang pinakamahirap daw na parte ng pagmamahal sa isang tambay ay ang katotohanang hindi mo masabi sa kanya na mahal mo nga s’ya. dahil natatakot kang baka pagtawanan ka lang n’ya. o baka hindi s’ya maniwala. o baka isipin n’yang isa lang ito sa mga biro mo.

o baka umamin din s’yang mahal ka nga n’ya talaga, sa pinakamalalim na kahulugan ng pangungusap na iyon. at hindi mo malaman ang gagawin mo dahil hindi ka naman talaga handang tanggapin ang pagmamahal n’ya. dahil kahit gustung-gusto mo man na ibalik n’ya ang pagmamahal mo, ayaw mong magturingan kayong higit pa sa isang magkabarkada. dahil nasanay ka nang magkabarkada lang kayo. at ayaw mong masira ang kasiyahan n’yo dahil lang sa nahulog ang loob mo sa kanya.

mahirap daw magmahal ng isang tambay. dahil sa isang barkadahan, there’s this unwritten rule that you shouldn’t fall in love with anyone in there.

and everybody seems to play by that rule.

Advertisements

2 responses

  1. Dian Gallueva

    talagang mahirap nga magmahal ng tambay..nranasan ko na yan.. naging kme pa nga..pero ngbreak din..pero naging bstfrnds naman kme.

    February 1, 2012 at 7:43 PM

    • Buti pa kayo naging bestfriends. Yung taong tinutukoy ko dito, wala na kaming communication. Hehe. Pero keri lang..

      February 17, 2012 at 2:28 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s