[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

ayokong umasa..

dahil mahal lang n’ya ako pag lasing s’ya. tried and tested na talaga.

kagabi magkatext kami. sabi n’ya sakin mahal na daw talaga n’ya ako. sabi ko naman, bukas makakalimutan din n’ya lahat ng mga pinagsasabi n’ya ngayon. epekto lang yun ng alak. tulad nung dati.

nung una n’yang sinabing mahal n’ya ako, muntik na akong maniwala. buti nalang nakatulugan ko s’ya nun. tapos paggising ko, muntik parin akong maniwala. kasi hindi ko nabura yung mga texts n’ya. pero bigla n’yang tinanong saken kung ano daw ba yung mga pinagsasabi n’ya nung nakaraang gabi.

ouch!

kaya ngayon, hindi na talaga ako aasa sa mga sinasabi n’ya. ayokong maniwala sa salitang lasing. dahil nakakalimutan narin n’ya yun kinabukasan. tapos ako, hindi ko yun nakakalimutan.

siguro, dapat sabay nalang kaming malasing. para patas naman kami. para kinabukasan, hangover nalang dahil sa alak yung mararamdaman ko. at hindi hangover dahil sa mga salitang binitawan n’ya. na kunyaring seryoso. at kunyaring totoo.

pero kailan nga ba naging seryoso at totoo ang isang lasing?

at syempre ayokong umasa. ayokong panghawakan ang mga sinasabi ng isang taong wala sa katinuan. kahit ngayon palang, nahuhulog na ang loob ko sa kanya. at isang kasalanan yun dahil may boyfriend ako ngayon. isang malaking kasalanan yun. kahit ipinagdarasal ko na sana hindi nalang s’ya lasing sa mga panahong sinasabi n’yang mahal n’ya ako. dahil kaya kong iwanan yung boyfriend ko para sa kanya. dahil sineseryoso ng puso ko ang mga biro n’ya. ang kalasingan n’ya. ang pagkawala n’ya sa sarili.

pero naisip ko, kung hindi naman s’ya lasing, hindi n’ya sasabihing mahal n’ya ako.

sighs.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s