[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

kakaibang ____ [fill with whatever noun you want]

kakaibang texts…

ganun ang tawag namin sa texts n’ya pag lasing s’ya. 🙂 sa mga texts n’ya na sinasakyan ko nalang. kahit gusto kong paniwalaan ang bawat sinasabi n’ya. madalas n’yang sabihing mahal n’ya ako. pero kapag lang umepekto na yung alak sa utak n’ya. o sa puso n’ya. nun lang n’ya nasasabing mahal n’ya ako.

[just refer to the previous post. that drunken bastard!]

kakaibang tagay…

dahil pinupuno namin yung shot glass kapag s’ya na yung umiinom. tapos pag kami yung tatagay, kalahati lang. kaya mejo lugi s’ya ng konti dun. 😀

kakaibang tingin…

at nakakalusaw. na parang gusto ko ako lang yung tinitingnan n’ya. sabi n’ya kakaiba daw yung tingin ko. ano namang kakaiba sa tingin ko? hmf..

kakaibang feeling…

parang mahal ko na nga s’ya. parang mas mahal ko na s’ya kesa kay Jayson. pero siguro, epekto lang din ‘to ng alak. 🙂 sana. dahil tulad ng previous post ko, ayokong umasa.

hilo ako ngayon. dahil sa ilang shots ng GSM blue. pero malinaw pa ang pag-iisip ko. takot ako dahil malinaw pa ang pag-iisip ko. dahil alam ko pa ang nangyayari sa paligid. dahil alam ko pang super attracted ako sa kanya. at hindi ito epekto ng alak…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s