[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

bulag.

Pilit kong inaabot
Ang nakakabulag na liwanag
Ngunit patuloy akong
Dumadausdos
Sa kawalan;
Isang walang hanggang
Pagkahulog
Sa madilim at malamig na panaginip –
Isang bangungot
Ng realidad.

Hindi ko alam
Kung mapupunta ako sa kaloob-looban
Ng mundo.
Ang tanging natanto ko ay
Hindi ito impyerno.
Walang nagniningas na apoy
Walang kaluluwang kumakawala
Sa kumukulong putik
Walang pagtangis o pagsigaw.
Tahimik dito
Madilim
Malamig.

Nandoon lang ako
Nagpapalutang-lutang
Nawalan na ng lakas
Na abutin ang liwanag
Dahil nawala na ito
Kasabay ng pagkawala ng aking pag-asa.
Gusto ko nang mamatay
Ngunit naisip ko
Ito na yata ang kabilang-buhay.

Hanggang sa
Hinawakan n’ya ang aking kamay
Mainit ito
Di tulad ng sanlibong hangin
Na humahaplos
Dumadampi
At humihipo sa aking hubad na katawan.
Mainit ang kanyang kamay
Nakakapanibago sa pakiramdam.

Nasilayan kong muli
Ang nakakabulag na liwanag
Hindi iyon ang langit
Hindi ko pa dapat abutin ang langit.

Natakpan ng mga anino
Ang nakakabulag na liwanag
Nakangiti ang mga anino
Sumisilip ang liwanag
Bumalik muli ang pag-asa.

Wala ako sa langit.
At lalong wala ako sa impyerno.
Hindi pa ako isang kaluluwang hinahatak sa kawalan.

Buhay ako.
At maya-maya lang
Makikita ko na ang tunay na kulay ng mundo
Hindi lang ang nakabubulag na liwanag
At ang nanghihigop na kadiliman.

Tagumpay ang operasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s