[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

sabaw na tanong, sabaw na sagot. Q&A portion!

Kunyare nag-i love you ka na sa nanliligaw sayo tapos biglang may lumitaw na dragon sa harap mo, ano favorite mong pagkain?
* ..maiisip kong masarap ang barbecue na niluto sa apoy na lumalabas sa bunganga ng dragon.
.
Pag lumindol ng malakas at katabi mo crush mo, anong gusto mong sabihin sa mga may ayaw kay Pacquiao?
* ..mga bitter lang kau tulad ko. pero hindi si pacquiao ang dahilan ng bitterness natin:))
.
Kunyare mananalo ka ng 1 million, anong gusto mong kulay ng rainbow?
* ..gold, silver, periwinkle and many more. gusto ko 1million din ang colors ng rainbow..
.
Binigyan ka ng kapangyarihan ng diwata, ano name ng first crush mo?
* ..BB gandanghari. hahaha!
.
Ipapamana sayo mga ari-arian nyo ng tatay mo. Kung papipiliin ka, punk o emo?
* ..wala eah. ang mga ari-arian namin ay pawang katotohanan lamang. *anuh daw?*
.
Kunyare papatay ka ng tao, saan ka galing kagabi?
* ..sa sementeryo.
.
Kunyare nasa gubat ka na punong puno ng mga mapanganib na hayop, papayag ka ba mapunta si Claudine Baretto sa GMA7?
* ..yes. kahit sa gubat pa sya mapunta, ayus lang. wala naman akong pakealam.
.
Sa hirap ng buhay ngayon, anong favorite mong band?
* ..barenaked ladies. sa hirap ng buhay, wala na silang maisuot. haha!
.
Kunyare nakasalubong mo ex-love mo na may kasamang bago nyang boyfriend/girlfriend, anong gagawin mo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo?
* ..nanakawan ko si ex at yung bago neang luvz :))
.
Pag nasira yung laptop mo, saan mo gustong kumain, KFC o McDO?
* ..KFC. may laptop technician kaya dun?
.
Kunyare magugunaw na mundo bukas tapos nalaman mong gusto ka rin ng gusto mo, kaninong surgeon ka pupunta kay Belo o Calayan.
* ..kay belo. mas close kami nun eh.
.
Oo at hindi lng, anong pakiramdam mo ngayon?
* ..HINDI ko masasagot ang tanong na yan kahit sinagot ko na. haha!
.
Sa gulo ng gobyerno natin ngayon, sa tingin mo may pag-asa pa bang mabago ang size ng pasas?
* ..of course. sa tingin ko may biogenentics naman para gawan yan ng solusyon. at ang nunal ni Gloria ang model nila. *shit. anu nga yung biogenentics?*
.
Nastranded ka sa elevator wala kang mahingan ng tulong, anong gagawin mo para makaalis ng bahay bukas?
* ..wala naman elevator yung bahay namin kaya bubuksan ko nalang ang pinto para makaalis ako ng bahay:]]
.
Naalala mo bigla ung EX mo, tingin mo naalala ka rin ng teacher mo nung grade 1?
* ..oo naman. kasi yung teacher ko nung grade 1, maikli lang ang buhok. eh yung ex ko, maliit ang paa. related diba? :))
.
Hindi na kayo nagpapansinan ng dating mahal mo, tingin mo alam nya ang pakiramdam mo kapag may sun burn?
* ..hindi nya maintindihan ang pakiramdam ko pag may sun burn. iyon ang dahilan kung bakit hindi na kami nagpapansinan. toinks!
.
Nagkasabay outing ng tropa at pamilya mo? Ano uunahin mo isuot t-shirt o pantalon?
* ..underwear, tanga!
.
Nasira mo tiwala ng kaibigan mo, paano mo maibabalik ang dating sigla ng kalikasan?
* ..marahil ay ibabalik ko muna ang tiwala ng kaibigan ko sa paggamit ng facial cleanser. wehh?
.
Pag ang baka sinabawan mo at chicken cubes nilagay mo, ano mangingibabaw, kasamaan o kabutihan?
* ..mas mangingibabaw yung paminta. at matutunaw yung asin.

whoooopeeee :))

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s