[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

buntong-hininga para sa nakalipas na.

kung aalis ka, pwede bang magpaalam muna?
kahit saglit lang
nang mapaghandaan ko naman
ang aking pag-iisa.

kung aalis ka, pwede bang ako’y kausapin?
mapawi man lang ang pananabik
kung hindi ka naman darating.

kung aalis ka, pwede bang sabihin
kung saan ka pupunta?
nang malaman ko man lang
kung hanggang kailan
ang aking paghihintay.

kung aalis ka, huwag sana doon
sa kung saan hindi ka na makakabalik
huwag sana doon
sa kung saan hindi kita masusundan
huwag sana doon
sa hindi ko alam kung saan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s