[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

muntik na!

napunta ako sa profile mo sa facebook. nakita ko na naman yung pagmumuka mo. haha.

naalala ko tuloy yung isang linggo nating pagsasama dahil sa project ko. 2nd week ng december yun, last year. biglaan lang ang lahat. nagreply ka lang sa text ko nun (at hindi ko pa nga matandaan nun kung paano tayo nagkakilala at kung saan ko nakuha yung number mo). buti nalang pinaalala mo.

oo tama, nagkakilala tayo nun sa pandayan. nilapitan mo lang ako nun basta-basta. at medyo natanga pa ako nun kasi i was thinking, “My parents always say ‘Don’t talk to strangers.’ Uhh…” pero syempre, kinausap parin kita. buti nalang.

anyway, that was our first meeting. tapos 2nd meeting natin nung nagpatulong ako sa project ko. we were strangers, basically, and yet we clicked instantly. na-gets  mo kagad yung mga kanta ko. tapos natuwa naman ako sa paggigitara mo. at nadamay pa natin yung pinsan mo.

i know super naabala kita nung week na yun. pero wala ka namang hininging kapalit. napaka-gentleman mo. super-kalog. masayang kasama. you never treated me as a stranger. tanggap kagad ako bilang close friend.

pinakamemorable sakin nung nagpunta tayo sa bahay ng ate mo. i mean, you know, yung malaking house. ang ganda dun. parang sa fairy tale. pero more than the house, mas nagustuhan ko yung paglalakad natin sa fields. tapos yung kwentuhan natin nun. you never touched my hand. you never kissed me. and yet i felt the intimacy of that moment. hindi ko alam if you felt the same. or maybe ako lang yung nagmomoment nung mga sandaling yun. but yeah, it somehow felt romantic. tapos nagbasketball tayo after natin maglakad. haha! ang saya-saya ko nun.

then, natapos na yung project ko. i was feeling sad that time kasi hindi ko alam kung kelan ulit tayo magkikita.

buti nalang you invited me to your church. and that was the last time we saw each other. namimiss na kita.

but, i am thankful narin. coz if i continued seeing you, baka madevelop na ako sayo. baka mas malala pa sa “crushie” ang maitawag ko sayo. baka mag-expect lang ako na maramdaman mo rin yung nararamdaman ko that time.

buti nalang talaga, natapos kagad yung project ko.

naku, kung alam mo lang, muntik na akong ma-inlove sayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s