[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

sentiments of a certified bangag.

kanina, nagvideoke kami. akala ko, para sa akin yung mga love songs na yun. iba pala yung kinakantahan n’ya. iba pala yung iniisip n’ya habang magkasama kami.

ang hirap palang makipagkumpetensya sa isang alaala. lalo na kung mas pinahahalagahan n’ya at ayaw n’yang bitawan yung mga memories na yun. ang hirap higitan ng isang babaeng kulang nalang ay sambahin n’ya. ngayon, habang kinukwento n’ya yung tungkol dun, nalaman ko kung paano s’ya magmahal ng totoo, na ibang-iba sa pagmamahal na ipinararamdam n’ya sakin ngayon. nalaman ko na hanggang ngayon may feelings parin s’ya dun sa girl, na higit pa sa feelings n’ya para sakin. hindi parin s’ya maka-get-over, kaya hanggang ngayon ang lakas parin ng impact nung girl sa kanya.

sabi ko na nga ba, everything is just too good to be true. parang deep inside me, alam ko na sooner or later may mangyayaring hindi maganda. and it was so soon. nasira kagad ang fairy tale ko. hindi ko naman s’ya ma-blame. it was kinda frustrating kasi naiintindihan ko s’ya. gusto kong magalit sa kanya pero wala akong mahagilap na dahilan para magalit. kaya wala lang, nagpapakabangag ako para makinig sa mga sentimyento n’ya, dahil wala na ‘syang ibang makausap. ang bigat sa pakiramdam.

pero gets ko naman s’ya. alam kong mas mabigat ang pakiramdam n’ya ngayon. kanina, wala s’ya sa sarili. tulala. tuliro. buti nga, kahit paminsan-minsan naaalala n’yang kasama n’ya ako. dahil alam ko, kanina, nandun s’ya sa sarili n’yang mundo…

…kasama ang first love n’ya.

Advertisements

2 responses

  1. hay..! nangyayari talaga ang ganyan…

    February 19, 2010 at 4:41 PM

    • yeah. pero naisip ko din, baka naman nag-overreact lang ako…

      February 20, 2010 at 5:37 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s