[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

a las quatro de la mañana.

hindi na naman ako nakatulog kagabi. nambulahaw na naman ako ng mga tao na gusto kong kausapin. laking tuwa ko naman na meron akong nakausap, tapos yung isa insomniac din tulad ko. maniniwala na sana ako na abnormal ako. buti nalang may nakiramay, kaya dalawa na kaming mental.

anyway, natutuwa talaga ako. okay na kami. ¿ Si ? feeling ko talaga nag-overreact lang ako. jusme, to the rescue naman si sir gelo at pina-realize n’ya saken na ang gaga ko nga. sabi ba naman saken, “kung makita mo kaya si Angelo sa mga sandaling ito, ano ang magiging reaksyon mo?”

sabagay, may mga taong nagpapakita kung kelan hindi ka handang harapin sila. may mga bagay na kahit ilang beses mong pag-isipan, hindi mo parin magawa ng totohanan. minsan, kahit gaano ka kahanda para sa isang sitwasyon, hindi mo parin maiwasang matanga. yun pa kayang pagkakataon sa hindi ka naman handa. grabe, nakakatulala.

balik sa tanong. paano kung magkita kami ni angelo ngayon? siguro, mas gugustuhin ko nalang himatayin kesa harapin s’ya. hihilingin kong sana bumukas nalang ang lupa at lamunin ako. hahaha! sobra…

alam kong malakas parin ang impact sakin ni angelo. marinig ko nga lang ang pangalan n’ya, napapatigil na ako. makita ko lang ang picture n’ya, nanlalambot na ako. may isa lang na magbanggit tungkol sa kanya, bumubuhos na sa isipan ko ang mga alaala naming dalawa.

si sir gelo kasi eh! pinaalala pa. pero thankful narin ako kasi kundi dahil sa kanya, di ko maiisip na ang unfair ko pala mag-isip. although we have slightly different situations, if i were on his shoes, ganun din siguro ako ka-affected.

real closure happens when you don’t care anymore; it’s when you don’t feel any pain even if you’re aware that he/she is with someone else. it’s when you don’t feel any regret in knowing that you can never have him/her again.

pero ganun talaga eh. kahit naman sabihin kong may closure na ang lahat-lahat tungkol samin, hindi ko masasabing wapakels na ako forever. minsan, hindi ko naman mapipigilan ang utak ko sa pag-iisip ng samdamakmak na “sana…”, “what if…”, at “dapat kasi…”.

ganun talaga eh! there’s such a thing as resurgence. at merong 7th sin ang memory: persistence.

Advertisements

2 responses

  1. okay lang yan beshie 🙂

    March 1, 2010 at 6:40 AM

    • beshy, it seems that your blog is private. i couldn’t view it eh..

      March 4, 2010 at 7:17 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s