[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Paper about Love and Desire

Mary Angelica D. Bonifacio

2008-52421

Ψ 108

It’s all about Judgment

Kapag pinag-uusapan ang mga salitang pag-ibig, pagmamahal, at pagnanasa, isa lang ang pumapasok sa isip ko: walang kwentang usapan ito. Siguro dahil mga kabarkada ko lang ang nag-oopen ng ganyang mga topic. Mga kabarkada kong binibiro-biro lang ang lahat ng bagay na dapat seryoso. Tsk3! Hindi naman kasi namin iyan pinag-uusapan sa bahay. Wala mang rulebook sa tahanan namin, alam kong taboo sa amin, lalo na sa tatay ko, ang mga usapang ganyan. Isa lang naman ang palaging sinasabi ng tatay ko tungkol diyan. Pasakit sa buhay ang mga lalaki. Iniirapan ko nalang siya kapag sinasabi niya iyon. Oo tatay, kaya pala pasakit ka sa buhay ko. Haha! Joke lang.

Balik tayo sa usapang barkada. Iniirapan ko lang din naman sila kapag napunta na doon ang kwentuhan namin. Pero nakikisali pa rin naman ako sa mga ganyang usapan. Madalas iyan ang topic namin sa inuman. Lalo na sa ‘truth or dare’ o kaya sa ‘have you ever?’. Minsan, dahil nauubusan na kami ng mga matitinding tanong, ito nalang ang question ng isa kong kabarkada: ‘Nagkaroon na ba kayo ng sex talk ng parent/s n’yo?’

Well, para maka-relate sa totoong purpose ng paper na ito, masasabi kong sang-ayon naman ako sa sinasabi ng artikulo. May fear of judgment ang karamihan sa aming mga kabataan, lalo na yung mga hindi close sa mga magulang. Para sa aming girls sa barkada,  ang tanging sex talk na alam namin ay yung huwag muna makipagsex hanggang hindi pa kinakasal. Na dadagdagan pa ng huwag magpapaloko sa mga lalaki. Yung mga lalaki naman sa barkada namin, ang sex talk nila ay panonood ng porn movies at pagtingin sa porn magazines. Pero hindi kami ang nag-aattempt magsimula ng usapan. Alam naming kapag nagtanong kami ng kahit anong may kinalaman sa sex, iisipin ng mga magulang namin na binabalak naming makipagsex. Kapag siguro inopen ko ito sa bahay, ito lang yung tanging topic kung saan magiging speechless ang tatay ko.

Napag-usapan din naming magbabarkada yung tungkol sa salitang decente. Hindi kasi ako sumasang-ayon sa description nito sa artikulo. Kaya tinanong ko sila kung ano ba ang ideya nila ng isang disenteng lalaki o babae. Ang sagot nila ay parehas ng iniisip ko: yung hindi bastusin, hindi nakakahiyang kasabay maglakad, hindi talakera, at hindi malandi. Tinanong ko ulit sila, may kinalaman ba ito sa itsura o pananamit nila? Depende, sabi ng mga lalaki. May mga babae kasing kung mag-make-up ay parang pokpok. Meron namang mukhang anghel kapag may make-up. May mga babaeng mukhang kaladkarin kapag nagsuot ng maikling damit. Meron namang mga babaeng kahit tube at miniskirt lang ang suot, mukhang disente parin. Nasa pagdadala lang yan.

Iyan din ang mga dahilan ko kung bakit hindi ako sang-ayon sa pakahulugan ng salitang decente sa binasa kong artikulo. Hindi kasi porque maikli na ang suot ay hindi na disente. Isa pa, magkakaiba lang talaga ng fashion sense ang mga tao. Hindi na uso ngayon ang baro’t saya. Hindi na rin uso ang mga babaeng Maria Clara. Ngunit ang pagsunod sa trends ay hindi nangangahulugang nawawalan na ng kadisentehan ang mga babae. Kung ganon kasi, masasabi kong kaunti nalang ang disenteng babae sa mundo. Well, siguro din defensive lang ako kasi madami akong miniskirts at minishorts. Haha!

Hindi rin pala walang kwenta yung usapang barkada tungkol sa pag-ibig, pagmamahal, at pagnanasa. Narealize ko nga na napapasarap ang kwentuhan kapag mga ganyang ang topic. Noong huling usapan kasi namin, dinala ko yung artikulo na hango sa Love and Desire. Masaya yung naging kwentuhan at narealize ko na naging educational yung sex talk namin. Hindi ko man masasabing naging patay-malisya kami, nasisiguro ko namang hindi naman talaga kami nagbabalak makipagsex kapag pinag-uusapan namin ang mga ganoong bagay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s