[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

the aftermath of a break-up

actually, ayoko ng friends lang. pero gets, hindi ko kasi alam kung san ko ilalagay yung sarili ko sa ‘yo.

wala ka rin namang sinasabi kung gusto mo pang makipagbalikan o sweet-sweetan ka lang talaga ngayon. tuwing ito naman yung topic natin, ang labo ng usapan. alam mo yun? hindi ko talaga alam kung ano’ng gusto mo. ayoko namang mag-assume kasi baka sabihin mo feelinggera ako. ayoko rin namang ako yung unang magsabi kasi ma-pride ako.

yun lang.

basta ako, di kita gets. at di ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit pinapatagal ko pa ‘to, kung anuman ang tawag dito. ayokong isiping hanggang friends nalang tayo. pero hindi ko rin naman kayang i-define kung anong meron tayo ngayon. ayun!

kaya naman hanggang patama lang ako. hanggang pa-sweet effect lang. hanggang pagpapamiss lang na wala namang effect sa ‘yo. habang tumatagal kasi, ako pa yung nasasaktan sa mga ginagawa ko. ako pa yung nabibiktima. haha. tado ka kasi. jk;)

basta, love parin kita hanggang ngayon. hindi naman mawawala yun. siguro nga, wala na yung mga bagay na pinanghahawakan ko nung tayo pa. siguro nga, dapat malaman ko rin kung hanggang saan lang ako. kung dapat na ba akong tumigil. at kung kailan ako dapat tumigil. baka kasi naguguluhan ka na rin. baka ayaw mo na talaga.

yun lang!

ayaw mo na ba talaga? shet, asang-asa pa naman ako na tayo na hanggang huli. tapos ang tanga-tanga ko lang kasi nakipagbreak ako sa ‘yo ng ganun-ganun lang. onga, ako naman yung may kasalanan. pero gets? lagi ko namang sinasabi sa ‘yo, ang bottomline lang ng lahat ng ‘to ay:

hindi ko matanggap na wala ka pa ring tiwala sakin. after everything.

eto lang solutions n’yan. una, magtiwala ka sakin at iparamdam mong may tiwala ka na nga. kung hindi mo talaga kaya, eto nalang, baguhin mo yung paniniwala ko na “walang pagmamahal kung walang pagtitiwala.” kung wala pa talagang mangyari, bahala na si batman sating dalawa. basta ako, sa ‘yo parin ang boto ko;)

at ngayon, hindi talaga ako kuntento ng hanggang friends lang tayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s