[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Hoy Ikaw..

People change. Memories don’t. You can’t expect people to stay the way they are remembered.

Gigay

ilang beses ko nang naisip na nagbago ka na. hindi mo na hinahawakan ang kamay ko. hindi mo na ako madalas yakapin. hindi mo na ako tinatawagan. minsan nga, lumalampas ang isang araw na hindi mo ako kinukumusta.

memories nalang ba lahat ng yun para sakin? para sa ‘yo?

madalas kitang kulitin. madalas kong tanungin kung namimiss mo ba ako. madalas ko ring tanungin kung mahal mo pa ako. alam kong naiinis ka na dahil paulit-ulit nalang yung mga sinasabi ko. pero kasi, alam mo yun, hindi ako makuntento sa salita lang. sabihin mo mang “oo, namimiss kita.” eh ano naman? pinaparamdam mo ba sakin na namimiss mo nga ako?

pinapakita mo ba na mahal mo pa nga ako?

kung napapagod ka nang magbigay ng point mo, sige wag na lang. hindi ko naman kailangan na i-point out mo yung feelings mo para sakin. ang kailangan ko lang, i-prove mo yung mga pino-point out mo. gets?

alam ko namang mahal mo ako. sa pagtatanong ko kung namimiss mo ba ako, hindi oo o hindi ang gusto kong marinig. ang gusto ko, iparamdam mong namimiss mo nga ako. ganun lang naman yun eh. wala namang masyadong detalye dun. walang paligoy-ligoy yun. direcho.

miss mo ‘ko? di nga?

nandun kasi lagi yung pagdududa. ikaw yung nagbibigay sakin ng doubts eh. minsan, ang sweet-sweet mo. minsan, deadma lang. minsan, ang taray mo. minsan, wala kang pakialam. at madalas, naguguluhan ako sa ‘yo.

ayun! nagbago ka nga talaga. wala ka nang effort sakin. ayus lang yun, ako nalang mag-eeffort para sa ‘yo.

pero gets mo? dadating yung time na mapapagod din akong magpapansin sa ‘yo. yung tipong hindi na kita itetext masyado. hindi na kita kukulitin. hindi na kita tatanungin ng kung anu-ano.

kaya smile ka na. wag kang mainis. hindi naman siguro ako forever na ganito.

pero sa ngayon, pagtyagaan mo muna ako.

Advertisements

One response

  1. o

    =( just same with my story

    July 2, 2010 at 4:42 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s