[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

huwag ako

this one’s made by my aunt. naka-relate naman ako.

huwag ako
hindi ko na kayang bumangon
sa walang oras at panahon
upang gumising
kahit maduling
sa antok
maipadama ko lamang
na handa kitang
samahan.

huwag ako
hindi na ‘ko sanay mag-isa
at tumanggap ng paalam
ayoko ng maiwan
at maguluhan
na naman
sa kawalan ng pakialam
kahit handa kitang
pakinggan.

huwag ako
hindi na ako singlakas ng dati
na walang inaalintanang
katiting na pasubali
at mag-ipon
ng pag-asa
sa patuloy na kinakayang
pasanin.

huwag ako
hindi na kita kayang alagaan
at magmistulang
isang kwento
upang mabigyan ka
ng isang minuto
na higit sa sariling
kapakanan.

huwag ako
dahil hindi mo kayang pukawin
ang naidlip kong kamalayan.

huwag ako.

dahil hindi na ikaw.

umpisa pa lang,
wala namang ikaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s