[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

simple lang..

ngayon alam ko na kung ano’ng problema ko. masyado kong ginagawang complicated yung mga bagay na kasimple-simple namang intindihin.

tulad nung feeling ko, may nagbago sa relationship namin. nung feeling ko, ang daming hadlang, pampam, at kontra. naisip ko nung, “can this relationship be saved?” tapos naisip ko, i posed the wrong question. dapat kasi, “is this relationship worth saving?” paano pag tinanong ko s’ya kung gusto na ba n’yang sumuko tapos sabihin n’yang hindi? malalaman ko bang nagsasabi s’ya ng totoo? baka kasi kaya lang n’ya yun masasabi kasi nanghihinayang na lang s’ya. o baka natatakot lang s’ya na wala ng tumanggap sa kanya. o baka nasanay nalang s’ya na ako yung girlfriend n’ya at di na n’ya alam kung ano nang gagawin n’ya pag nawala na ako. alam mo yun? yung parang gustong-gusto kong makita yung nasa isip n’ya pero alam kong di naman yun pwede. kaya kailangan ko lang pagtiwalaan yung sasabihin n’ya, at isipin kung ano nga bang meaning nun.

pero gets, minsan kasi, kung ano’ng sinabi n’ya, yun na yun. wala nang kailangang i-interpret. yun na yun eh. wala nang ibang meaning. ako lang yung nagpapahirap sa sarili ko.

kaya ngayon, ayoko nang mag-isip masyado. kung mahal n’ya ko, tatanggapin ko yun, wala nang tanung-tanong, wala nang pag-aalinlangan, wala nang bakit, wala nang pero.

ayoko nang isipin kung ano’ng mangyayari pagkatapos nito. sawa na ko sa sarili kong problema. gusto ko, simple lang. mahal ko s’ya, mahal n’ya ko. tapos!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s