[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

ang sarap mong murahin.

hindi mo kailangang patunayan na mahal mo ko. pag kasi pinapatunayan mo, lalo ka lang nagkakamali. lalo mo lang pinapakita sakin na hindi ako yung priority, na nandito lang ako para gawing panakip-butas. hindi mo kailangang iwan sila para sakin. dahil sa tuwing ginagawa mo yun, lalo mo lang naiisip na mas kailangan mo sila kesa sakin. kaya bumabalik ka din.

hindi mo kailangang paasahin ako sa wala. ayoko nang mag-effort ng sobra-sobra para sa yo. nababalewala lang kasi ako sa huli. umaalis ka din. hindi mo rin sila matiis.

ayokong ng gaguhan. kung hindi ka ready, okay lang naman sakin. wag mong pilitin yung sarili mo sa bagay na hindi mo kaya. pareho lang tayong nasasaktan. kung babalik ka sa kanila sa tuwing namimiss mo sila, at kung pupunta ka sakin sa tuwing ako naman yung namimiss mo, edi lahat nalang kami pinaasa mo na. mali eh. maling-mali. kung sa kanila ka, sa kanila ka nalang. hindi mo pwedeng abusuhin yung pagmamahal ko dahil lang alam mong tatanggapin kita sa tuwing pupunta ka sakin. nakakainis. ako lagi yung naiiwan, ako lagi yung naghihintay, ako lagi yung nagsasakripisyo.

ayoko sa taong puro salita lang. naiisip ko tuloy, mababaw lang yung dahilan mo kaya mo ko gustong makasama. naiisip ko tuloy, hindi ako ganun kahalaga sa yo. nagagawa mo nga akong iwan kung kelan mo gusto. kaya please lang, wag mo na akong paasahin ulit. sawang-sawa na kong kunsintihin ka sa gusto mong gawin.

hindi mo kailangang bumalik. wag ka nang bumalik. ayoko nang bumalik ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s