[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Sinabi mo yun… yata.

“I love you.”

Sinabi mo yata sakin yan kagabi. Pero hindi ako sigurado kasi lasing ako noon at inaantok pa. Hindi ako sigurado kasi hindi ko naman masyadong maalala. Parang sumagi lang bigla sa isip ko kanina, tapos hindi na maalis. Baka nag-iimbento lang ako ng mga bagay sa alaala ko. Dahil yung mga salitang yun ang gustong-gusto kong marinig mula sayo.

Hanggang ngayon tuloy, napapaisip parin ako. Muntanga lang. Pinipilit kong alalahanin yung mga nangyari kagabi. Pero malabo yung iba. Nakakainis. Hindi ko naman mapanghawakan yung mga sinasabi mo kapag lasing tayo. Baka kasi makalimutan mo lang yun pag hindi ka na lasing. Tapos kinaumagahan, baka hindi mo narin matandaan yung mga sinabi mo. Ang hirap kasing umasa sa usapang bangag.

Sana sabihin mo ulit sakin yun. Sana sabihin mo yun sa pagkakataong matino tayong dalawa at malinaw ang pandinig ko. Yung tipong maaalala ko bawat detalye. Yung hindi ko pagdududahan ang memorya ko. At sana, sa pagkakataong yun, marinig mo ring mabuti yung sagot ko. Yung tipong hinding-hindi mo rin makakalimutan. Yung wala kang pag-aalinlangan dahil alam mong kaya kong panindigan yung sasabihin ko.

Yung hindi tayo lasing. Yung hindi uso ang talkshit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s