[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Ikaw parin

Ipaalala mo sakin na wala akong karapatang magreklamo. Dahil hindi naman tayo. At ako pa ang nag-desisyong wag maging tayo. Sabihin mo sakin na hindi ako pwedeng magalit o magselos dahil wala naman akong pinanghahawakang kahit ano mula sa yo. Ayokong makita ang sarili kong pinagdadamot ka dahil hindi ka naman akin. At wala akong lakas ng loob na angkinin ka. Natatakot lang talaga akong baka humigpit ang kapit ko sa yo, at hindi na kita mabitawan. Masasaktan lang ako kapag dumating yung panahon na pagod ka nang hawakan ang kamay ko.

Oo, gustong-gusto kong ipamukha sa yo na mahal parin kita, kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses mo akong iniwan at sinaktan. Yun lang, sa pagkakataong ito, nagtitimpi na akong mahalin ka ulit ng sobra. Dahil nakapanghihinayang yung umaapaw na pagmamahal ko. Sinasayang mo lang kasi. Tinatapon. Binabalewala.

May mga bagay na gusto kong gawin na kasama ka. Masaya ako pag nakaakbay ka sakin habang naglalakad tayo. Yung parang wala tayong pakialam sa mundo. Masaya ako sa tuwing pinaglalaruan mo ang buhok ko. Masaya ako kapag tumitingin ka sakin na para bang ako lang ang nakikita mo.

Pero naisip ko, sapat na ba ang mga bagay na iyon para tiisin ko ang sakit? Ayos lang bang itago ko ang takot na nararamdaman ko kapag nakikita kong hindi ako ang pinakamahalaga sa yo?

Pinanghihinaan ako ng loob kapag naaalala ko yung mga ginawa mo dati. Minsan, naiiyak nalang ako pag naiisip kong nagawa mo akong balikan na parang walang nangyari. At ngayon, parang isinusugal ko na naman ang pagmamahal ko. Baka kasi sa pagkakataong ito, magtagal tayo. Kahit malabong mangyari. Kahit wala akong kasiguraduhan.

Ang tigas parin ng ulo ko. Alam kong sa huli, ako rin ang talo. Ayoko nang umasa. Kaya ngayon, habang maaga pa, aalamin ko na kung saan ako lulugar. Doon sa malayo ang distansya ko sa yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s