[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Ilang beses na.

Ilang beses ko nang sinabi na hindi na kita itetext. Pero mahawakan ko lang ang phone ko, parang automatic nang magtetext ang mga kamay ko para isend sa yo. Yung tipong magtext ka lang ng hi, wagas na ang reply ko. At kahit matagal ang pagitan ng mga replies mo, naghihintay pa rin ako.

Ilang beses ko nang sinabi na hindi na ako makikipagkita sa yo. Pero mag-aya ka lang kahit saan, nagmamadali kagad akong magbihis para sumama sa yo. Panget daw tingnan pag inakala mong lagi akong available sa tuwing gusto mo kong makita. Pero wala akong pakialam. Kasi namimiss kita ng sobra pag hindi kita kasama.

Ilang beses ko nang sinabi na iiwasan na kita. Pero ako pa yata yung nagsusumiksik sa yo. Ako pa yung nagsisimula ng conversations. Ako pa yung unang nagtetext at nagchachat sa yo. Parang may something na humihila sakin patungo sa yo. At kahit gaano katindi ang desisyon kong iwasan ka, mas malakas pa rin ang hatak mo.

Ilang beses ko nang sinabing hindi na kita iisipin. Pero heto na naman ako, gumagawa ng post tungkol sa yo.

Ugh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s