[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Nung bata pa ako :D

1. Naglalaro ka ba ng Langit Lupa?
– Ou. Bawal sungkitan!

2. Natatandaan mo pa ba ang kanta sa Monkey Monkey?
– Haha. Hindi na..

3. Saan ka mahilig magtago pag naglalaro kayo ng Taguan?
– Sa ilalim ng sasakyan na puro grasa pa.

4. Hanggang saang bahagi ng katawan ang abot mong talunin pag naglalaro ka ng 10-20?
– Balikat. Sa Chinese garter naman, lagpas ulo. Ahaha.

5. Nagkasugat ka na ba dahil sa maling pagtalon sa larong Luksong Baka?
– Ou. Yung tipong una ulo tapos pagulong-gulong pa. Buti nalang maraming dayami dun.

6. Ilang tsinelas na ang napudpod mo sa paglalaro ng Tumbang Preso?
– Wala naman. Pero maraming tsinelas na ang nawala sa taguang tsinelas. Hindi na nakita ever.

7. Ano ang madalas mong pamato sa Piko?
– Bato.
8. Hanggang anong oras kayo inaabot pag naglalaro kayo ng Patintero?
– Hanggang sa magkapikunan. Haha.

9. Saan niyo nilalaro ang Shato?
– Ano yun?

10. Ano ang madalas na \”base\” niyo sa larong Agawan Base?
– Puno o pader.

11. Hanggang ilang jackstones ang kaya mongpulutin sa isang talbog ng bola sa larong Jackstones?
– 10.

12. Ginagamit mo ba ang itim na stick para panungkit sa larong Pick Up Sticks?
– Ou..

13. Saang grupo ka madalas pag naglalaro ng Cops and Robbers? Sa Cops o Robbers?
– Robbers. Ahahaha.

14. Madalas ka bang maging taya sa larong Habulan?
– Hindi. Mataya man ako, di ako nahuhuli sa pagtaas ng kamay pag “boom” na.

15. Malakas niyo bang binibilang ang mga numero pag naglalaro ka ng Nanay Tatay?
– Ou naman. Haha.

16. Gaano ka katagal maging taya sa larong Pass The Message?
– Hindi ako natataya. Magaling ako magpasa eh.

17. Naglalaro ka ba ng Tic-Tac-Toe kahit may klase?
– Ou. Pero SOS version.

18. Nakapaglaro ka ba ng SOS sa graphing paper?
– Syempre. Kahit anong paper!

19. Alam mo ba yung laro sa pad paper na Sabugan ng Tangke?
– Hindi.

20. Naniwala ka ba dati sa kapangyarihan ng FLAMES?
– Ou. Ahahaha. Tapos kukunin ng seatmate ko at ipapakita sa crush ko. Amp.

21. Sa palagay mo, may katotohanan kaya yung hula sa iyo noon nung naglaro ka ng MASH?
– Asa! Kariton kaya laging lumalabas na sasakyan ko. Tapos haunted house yung bahay. Takte.

22. Nagta-tumbling ka ba sa larong Chinese Garter?
– Hindi. talon-talon lang.

23. Bakit sa taguang singsing pag malamig ang tenga iyon ang sinsabing may hawak ng singsing?
– Weh? Ganun ba yun?

24. naranasan mo bang magreenactment ng mga napapanood mo sa tv?
– Ou. Power rangers saka Voltes V.

25. Sa tingin mo, malalaro pa kaya ng susunod na batch ng kabataan ang mga larong ito?
– Di na masyado. Puro PSP at Gameboy at Wii ang nilalaro eh.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s