[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Windang ako ngayon (part 1)

Magulo ang utak ko ngayon. Naguguluhan ako dahil sa putanginang hindi ko alam kung anong hinahanap ko. May kulang sa buhay ko. Kaya lang, hindi ko naman alam kung ano. Nakakapeste lang pag ganito. Yung tipong nalulungkot ako pero hindi ko alam kung anong topak yung dahilan. Yung tipong gusto ko nalang matulog palagi para hindi nag-iisip ng kung ano ano yung putanginang utak kong ayaw mapagod man lang at magtigil nalang sa kaiisip.

Tapos ngayon, may bago akong boyfriend. Sana hindi nya to mabasa, dahil pranka ako pagdating sa blog na to. Masasaktan lang sya pag nabasa nyang masasaktan lang sya sa huli kapag nainlab sya sakin. Kung akala nyang joketime lang ako nung sinabi kong isang buwan lang ang itatagal ng punyetang relasyon namin, ay nako, mag-isip nalang sya ulit at paniwalain ang sarili nya na totoo ang sinabi ko. At walang halong biro ang mga iyon. Gusto ko sya. Oo, isang malaking OO na crush ko nga sya. Pero hindi ko sya mahal. At walang halong pagmamahal ang mga yakap at ngiti ko sa kanya. Hindi ko na kayang magmahal. Kung may taong manhid, ako na yun.

Hindi ko alam kung bakit pinagpapatuloy ko pa ang one-month rule na to. Tarantado kasi ako. Alam ko naman masasaktan lang sila sa huli, ayaw ko pang tumigil. Eh hindi naman kasi kapani-paniwala na nakakainlab ako. Sa loob ng isang buwan lang, head over heels na sila sakin? LOL. Ako? Ang gulo-gulo ko kayang kausap. Demanding ako. Bitchy. Malakas mang-asar. Dinadaan sa biro ang lahat. Wala silang makikitang maganda sakin. Lalo pa kung yung ichura ko ang pag-uusapan. Mga tanga rin siguro sila. Ako naman, lalo lang silang ginagawang tanga. Tangina lang talaga ko.

Tulad nalang ni Noel na hanggang ngayon iniiyakan ako sa telepono. Oo, naka-loudspeakers ako at nagmo-monologue sya kanina pa. Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Dati, pag iniyakan ako ng lalaki, babalikan ko kagad yun. Matigil lang. Pero ngayon, parang wala lang. Wala akong pakialam. Mauubos din naman ang mga luha nya. At mawawalan din sya ng sasabihin. Kaya hahayaan ko nalang sya.

Ang bitch ko talaga.

Nakakabangag lang. February ngayon. Love month daw kuno. Wapakels naman ako diba? Kahit wagas sa kagwapuhan yung boyfriend ko na hindi ko alam kung anong nagustuhan sakin. Kahit sagad sa talino ang mataba nyang utak. Kahit mag-mention ako ng isang milyon ng putanginang nagustuhan ko sa kanya. Hanggang paghanga lang ako. At alam ko na kung anong ending nito.

Wala lang. Hindi ko lang maintindihan ang buhay ko. Minumura ko lang ang sarili ko, baka sakaling sagutin ako at ma-gets ko ang mga nangyayari ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s