[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Windang ako ngayon (part 2)

Kung bakit naman kasi hindi ko masabi sa kanya ng direchahan yung mga gusto kong sabihin. Amputa. Kung bakit kasi umiiral palagi yung punyetang pride ko. At yung takot ko na baka i-reject lang nya ko. Dahil baka nagsawa at nadala na sya sakin. Sa lahat ng putanginang kagagahan ko.

Kung bakit naman kasi ang sarap magmura ngayon. At magalit sa mundo.

Hindi ko alam kung bakit pinagpapraktisan ko pa sa harap ng salamin yung mga sasabihin ko sa kanya. Pero pag magkasama na kami, nakakalimutan ko lahat. Hindi ko masabi. Natotorpe ako. Takte lang.

Gusto kong sabihin sa kanya na namimiss ko yung dating kami. Nung kami pa. Gusto ko akin lang ulit sya. At sa kanya lang ako. Gusto ko exclusive ulit kami sa isa’t isa. Yung walang sawsaw at epal. Yung kapag hindi kami magkasama, hindi ako mapapaisip kung may ibang babae ba syang kasama. Gusto ko may pinanghahawakan ulit ako. Na sya ang boyfriend ko. Tapos ako lang ang girlfriend nya. At mahal nmin ang isa’t isa.

Putangina. Natatakot kasi ako sa isasagot nya. Baka marinig ko yung mga salitang ayaw kong marinig. Na hanggang friends lang kami. Baka pag sinabi ko yung mga gusto kong sabihin sa kanya, magbago ang lahat…

Baka mawala sya sakin ng tuluyan. Baka mas mabuting hindi nalang ako magsalita. Punyeta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s