[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Okay, emo na naman tong post ko.

Yun yung masakit eh. Yung sigurado ka na sa kalalabasan pero uumaasa ka parin na mababago yung mga pangyayari. Humihiling ka parin na magkaroon ng himala. Na sana umayon yung mga bagay-bagay sa yo kahit buong mundo na yung kalaban mo. Yung tipong ikaw nalang yung may malaking katangahan na asahan si batman, si bathala, ang swerte, ang feng shui, at ang kahit anong maliit ang kinalaman sa cause and effect ng buhay.

Isa pang masakit? Yung katabi mo lang yung taong mahal mo, pero namimiss mo parin sya. Hindi mo alam kung ano, pero alam mong may kulang. Alam mong may mali. Alam mong sa isang iglap lang, mawawala na sya sa yo. Gusto mo syang layuan para malaman mo kung mahalaga ka talaga para habulin ka nya. Pero alam mo na yung sagot. Na kahit lumayo ka, hindi ka nya pipigilan, hindi ka nya hahanapin, hindi ka nya susundan. Hahayaan ka lang nya. Dahil ikaw lang naman yung mas nagmamahal.

Masakit din ang magbitiw ng desisyon na labag sa kalooban mo. Hindi mo alam kung kakayanin mo pero kailangan mong panghawakan. Masasaktan ka kapag iniwasan mo sya, pero mas masasaktan ka kapag pinagpatuloy mo ang katangahan mong ipagsiksikan yung sarili mo sa kanya. Dahil sa tuwing nakikita mo sya, nakikita mo ring hindi sya lagi sa yo nakatingin. Nasa iba ang atensyon nya. Ang isip nya. Pati ang puso.

Ang hirap magpanggap na okay ka. Yung tipong bago mo harapin yung mga kaibigan mo, pupunta ka muna sa banyo para i-compose yung sarili mo. Para makita mo sa salamin kung papasa na ba yung plastik mong ngiti. Para pigilin yung mga luha na isang puwing lang ay tutulo na nang tuloy-tuloy. Tapos sa gabi, iiyak ka ng bonggang-bongga. At kapag tinanong nila kung anong nangyari sa mata mo, ide-deny mo pa na nagmukmok ka magdamag. Sasabihin mo nalang, nakagat ng ipis yung mata mo. Iiwasan mo yung mga tingin nila para hindi na sila magtanong pa.

Pinipilit mo yung sarili mo sa isang bagay na alam mong pagsisisihan mo. Pero wala kang magagawa dahil hindi ka naman kayang ipaglaban ng taong mahal mo. Hindi ka nya kayang piliin na ikaw lang. Hindi mo sya kayang angkinin. Hindi mo sya maabot kahit ang lapit-lapit lang nya sa yo.

Sabagay, isang araw magigising ka nalang na limot mo na sya. Mapapagod ka rin magmahal. Aapaw rin lahat ng sobra. Pero sa araw na yun, mananatili sa yo ang sangkatutak na katanungan. At panghihinayang.

</3

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s