[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Tungkol na naman sa kanya.

Masaya ako. Pinagpipilitan kong masaya ako. Nakakapagod na rin kasing sumimangot at magreklamo at umiyak nang paulit-ulit naman yung dahilan. Sa pagngiti, kahit papaano napapaniwala ko yung sarili ko na okay lang ako. Na hindi ko na sya problema. Na maayos lang ang lahat.

Pero sa tuwing nakikita ko sya, sa tuwing naiisip ko sya, parang gusto kong umiyak. Gusto kong malaman nya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Gusto kong makita nya na sa kabila ng mga ngiti ko, wala pa ring laman ang puso ko kundi sya.

Sya pa rin ang mahal ko. Pero kailangan kong magparaya. Kailangan ko syang ipaubaya sa iba. Kailangan kong sabihin sa sarili ko, at sa kanya, na may mahal na akong iba. Para mapakawalan ko na sya. Nagsinungaling ako sa sarili ko. Baka sakali kasing dumating yung panahon na maniwala rin ako sa kagaguhang iba na ang mahal ko.

Nakakatawa na nakakainis. Ayos lang sa kanya na hanggang friends lang kami. Hindi ba nya nakikita na hindi ko pa rin matanggap yun? Na hanggang dun nalang? Na kahit kelan, hindi ko na sya maaangkin. Bakit sa kanya, parang wala lang?

Ako lang. Ako lang talaga yung patuloy na nagpapakatanga. Pipilitin ko nalang talagang magmahal ng iba. Kung nandito lang sana si Em, hindi ko na sya maiisip pa.

Pero tama na. Titigil na ko. Sadyang may mga bagay na hindi na magagawan ng paraan kahit gaano ko pa kagustong lumaban. Ano nga ba ako sa kanya? Ako lang naman yung pinupuntahan nya pag wala yung isa. Panakip-butas yata tawag dun. Hindi ko alam. Baka kasi pag tinanong ko pa kung ano nga ba ako sa kanya, baka lalo lang bumaba yung tingin ko  sa sarili ko.

Tangina. Tama na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s