[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

Hindi Ako Handa

Hindi ako handang makita ka
Buhaghag ang aking buhok
Parang kinalahig ng manok
At mga mata’y mapungay dahil sa antok.

Alam mo namang ayaw ko ng surpresa
Di ko alam kung matutuwa o matataranta
Natanong sa sarili kung ikaw ba talaga
O baka ako’y nililinlang lamang ng aking mga mata.

Hindi ako handang makita ka
Ako tuloy, natulala’t napanganga
Di magawang humakbang ng aking mga paa
Hanggang sa napahikbi at napaiyak sa saya.

Hindi ako handang makita ka
Nakapambahay lang ako
Parang kinaladkad ng kabayo
At hinimatay nalang nang yakapin mo ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s