[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

May Isang Babae

Sa isang kwarto, may isang babae,
Pinipilit pigilin ang pagtakbo ng oras –
May sirang orasan.

Sa kama, nagkalat ang mga sulat,
naipon ang mga litrato,
hindi maisantabi,
nilulunod s’ya sa nakaraan.

Pinatay ng babae ang maliit na ilawan;
Gusto n’yang manatili sa dilim,
Ayaw pa n’yang harapin ang umaga,
Mas nakaririmarim ito kaysa sa gabi.

May nagkalat na bubog,
May mantsa ng alak sa sahig.
Maraming basag na pangarap,
nasirang tiwala,
nalimutang pangako,
nabalewalang damdamin.

Sa isang kwarto, may isang babae,
Lasing na sa isang basong luha
na umaapaw sa pighati.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s