[it’s where you could find me when you couldn’t find me anywhere else]

The Party

..the party (part 5)..

“Uhmm… excuse me.” Tumayo na ako pagkatapos magpunas ng tissue.

“Oh, tapos ka nang kumain?” sabi ni Mac.

“Hmm… balita ko kasi, mas marami pang baked mac dun sa kitchen. Mas masarap ang fresh from the oven diba?” pagbibiro ko sa kanya.

“Ayos mo! Baka naman tatakasan mo lang ang ka-date mo?”

“Hindi ah! Ang totoo n’yan, I wanna take a shower… gusto mong sumama?” joke ko yun na may pagka-flirty.

“You’re such a naughty kid, Angelica.”

“Yep! Naughty and dangerous.”

“And depressed…” dugtong ni Mac.

“Nuh-uh! Maybe you could give me tips on how to be a mind reader… ” sabi ko na iniiwasan ang salitang ‘depressed’.

“We’ll talk about that next time. Hmm… bilisan mo lang. Malapit nang magsimula ang sayawan.” Sigaw n’ya habang papasok na ako sa bahay. Sighs! Gusto ko na talagang magpalamig. Hindi ko alam kung bakit super-init ng pakiramdam ko. I badly need an escape. And my two choices are the shower room and the swimming pool. Hindi naman ako masyadong eskandalosa para magtambog sa swimming pool habang nagsasayawan ang lahat diba?  Saka gusto ko munang mapag-isa kahit ten minutes lang. hindi ko pa kasi nalulunok lahat ng kinain ko weh. Ano daw?!! No, I mean, hindi ko pa nalulunok lahat ng mga pangyayari. Okay! Walang pilosopo ha! Idiomatic expression yun…

Edi ayun, pumunta muna ako sa guestroom. Meron kasi akong couple of dresses doon kasi madalas akong gumala dito. Madalas ding magkaroon ng party dito kaya nag-iwan na ako ng mga damit para dito nalang ako magbibihis. Like this instance, diba?

I entered the shower room… and it took me a full minute to decide kung magbababad nalang ako sa bathtub o gagamitin ko yung shower. Pero naisip ko, gagamitin naman namin yung swimming pool mamaya kaya shower nalang muna ngayon. Imagine that? Pati yung simpleng bagay na yun, pinag-iisipan ko pa.

In that 10 minutes, nag-senti mode lang ako. At kung gusto ninyong malaman ang dramatic monologue ko, basahin n’yo lang ang susunod na talata. Kung ayaw n’yo naman, lagpasan n’yo nalang.  Pero minsan lang ako mag-emote nang ganito. Don’t miss it!

Well, this is the cliché. Masarap umiyak habang nag-sha-shower. Sa totoo lang, fake smiles lang yung binibigay ko sa kanila sa nakaraang 30 minutes. I’m not okay, to be frank. I feel so dumb… dumb to expect na mahal parin ako ni Nathan at naghihintay parin s’ya sa akin. Well, tama lang naman ang balik ng karma. I said ‘no’ eons ago nung nanligaw s’ya sa akin. He was expecting something good and I dumped him. Now, look at me… it seems that I was the dumped one! I was the one expecting and yeah, I got nothing good. Hayz! Of course, with his gorgeous looks, hindi s’ya mabo-bored sa mga nakapilang babae sa kanya. But I though of him as someone different from the rest. Akala ko, s’ya yung lalaking seryoso sa isang relationship-na kapag sinabi n’yang mahal n’ya ang isang tao, mahal n’ya talaga ‘to hanggang mahulog ang mga tala o maubos ang sands sa Sahara Desert and whatever romantic ideas there. Pero, katulad lang pala s’ya ng ibang mga lalaki dyan na papalit-palit ng girlfriend-na kapag tinanggihan s’ya ng isa, may pamalit kagad. Hayz!

Paglabas ko, nakita ko kagad si Ella sa kwarto, nakaupo sa kama at tinitingnan ang dress kong nakapatong doon.

Advertisements

..the party (part 4)..

the party part 1
the party part 2
the party part 3

Well, to be honest with you guys, muntik ko nang maibuga sa gaudy, flashy, shiny, kitschy, and noisy crimson dress ni Ella yung iniinom kong wine. At kung sakaling matapunan ko nga s’ya ng wine, hindi naman halata kasi magkakulay yung dress n’ya at yung wine ko. (May sigh of relief dun yeh noh!) Pero, of course, labag sa common etiquette ko ang ganung reckless act. Para saan pa’t tinawag akong elegant woman, diba? Buti nalang, napigilan ko ang sarili kong sumigaw ng bloody “Whaaaaattt?” dahil sa surprise na merong girlfriend si Nathan.

Well, well, well… mahaba pa naman ang gabing ito para magmuni-muni sa aking nasaksihan. Kailangan munang i-regain ang aking composure. Salamat sa pag-epal ni Mac dahil napunta sa kanya ang attention habang pilit kong inaalis ang shock sa aking katawan.

“Dinner’s served! Pumunta na ang lahat sa garden, please. I know you’re all starving!” Whew! Saved by the bell! I mean, saved by the microphone of Tita Dina. Holding-hands na lumakad sina Nathan at Ella patungo sa dining table. Hinawakan din ni Mac yung kamay ko at inakay na ako patungo sa garden. He’s such a gentleman. At alam n’ya lagi kung ano’ng iniisip ko, or to place a better word, kung ano’ng nararamdaman ko. Kung di lang dahil sa kayabangan n’ya, magugustuhan ko din s’ya. But, yeah, I like Mac… a lot… as a special friend.

“Shucks, Mac! Have you seen my reaction lately?” binulong ko sa kanya habang naglalakad.

“Nung pinakilala sa ‘yo si Ella Enchanted…Kingdom? Looked like you’ve seen Bloody Mary.” Pagbibiro n’ya.

“Well, her dress is bloody enough.” Sabi ko.

“Haynako, talaga… kahit saang lugar, nasisingit mo ‘yang sense of humor mo.” Sabi n’ya sa pagitan ng mga hikbi ng tawa. Nagtinginan nga sa amin yung mga katabi namin sa table eh. Kahit kailan talaga, bentang-benta kay Mac yung mga korning jokes ko. Nagulat din naman ako dahil si Ella ang naging topic ng joke na yun.

“So, hindi mo talaga alam na may girlfriend na si Nathan?” a serious question ni Mac. Hay! I really fear that kind of question. ‘Pag kasi serious si Mac, hindi na umuubra ang sense of humor ko sa kanya.

“Do you think I was just faking my shock back in there?” sagot ko sa kanya.

“Nahh! You are a lousy actress. Dapat pala na-picture-an kita para makita mo kung gaano ka ka-petrified. ” pang-aasar n’ya sa akin.

“Oh, jeez! Do I look that stupid?”

“Nope, you look sweetly innocent.”

“Oh, please! Cut that crappy hell outta here… Kumain ka na nga lang dyan.” May pagdadabog kong sinabi habang hinihiwa ang steak. Tumahimik naman si Mac. Tumingin ako sa opposite table at nakita ko si Nathan na nakatingin sa akin. He mouthed the words “usap tayo mamaya” saka humarap kay Ella. Humarap nalang din ako kay Mac at nakita kong nakatitig s’ya sa akin.

“What the hell?” nagtataka kong sinabi sa kanya.

“Hmm… I was thinking if you could be my date for tonight.” Mabagal n’yang sinabi na parang he’s still taking it for consideration.

“Yeah, sure! That sounds a good offer.” Bigla kong sinagot. Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. It seems that I can still somehow avert my attention from Nathan tonight. Luko kasi s’ya weh! Hindi man lang n’ya sinabi na may girlfriend na pala s’ya. He definitely flirted with me in his room kanina… Shit! Tapos, heto naman ako, feeling special. I interpreted the wrong signals. He’s just sweet to everyone else, and that everyone else includes me. Damn!


..the party (part 3)..

The party part 1

The party part 2

Sa party, ayaw akong paalisin ni Nathan sa tabi niya. Nakausap na namin ang karamihan sa mga guests. Maraming nagsabing mukha raw akong mas bata kesa sa totoo kong age na 16. Hmm… “Baby face poh kasi ako eh.” Yan ang confident kong sagot with matching Close-Up smile. Lahat sila ay natatawa sa pinagsamang sense of humor naming dalawa. At ang sense of humor ay isa lang sa mga napansin nilang common sa amin.

“Nathan! Bago palang yung kantang Unfinished Love Song diba?” tanong sa amin ni Aj, drummer ng banda nila Nathan.

“Hindi. Matagal na yung kanta na yun. 1 year na siguro…” sagot naman ni Nathan. Teka, parang familiar saken yung title nung song na yun ah. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig…

Tell me you love me, tell me you still care… I think I’ve already heard that song somewhere. Tell me you need me and I’ll always be there.

“Oh? Sino ba ang kumanta nun? Kanina ko lang kasi narinig eh.”

“Ako.” Pagmamayabang ni Nathan.

“Ha-ha-ha! Maniwala! Alam kong magaling kang kumanta pero hindi kapani-paniwalang magaling kang magcompose.” Umiiling pang sabi ni Aj. Narinig kong sinabi sa kanya ng girlfriend niya na iyon nalang ang gawin nilang theme song. Magkakatabi kaming apat nun sa foyer. Okay, sosyal sa term yun para sa living room.

“Sino naman ang nagsabi sa ‘yong ako ang nagcompose nun?” saka tumingin sa akin si Nathan at kumindat. Oh, my! Naalala ko na. Ako nga pala ang gumawa nung kantang yun. Hwehh! Pinaglandakan ni Nathan yung song na yun?

“Si Princess Angel mo ang may gawa ng Unfinished Love Song? Wow!!!” nanlaki ang mga mata nina Aj at ng gf niyang si Weng. At pinagmayabang na ni Nathan ang tungkol sa composition kong mediocre naman ang level. Hindi nga ako makapaniwalang magugustuhan pala nila yung kanta. Last year ko pa iyon ginawa. Tapos, nung makilala ko si Nathan this year, sa kanya ko pinakanta yung song. Sanabi ko sa kanya na ‘wag ipaparinig kahit kanino pero haynako! Sa party pa niya pinatugtog… hmf! Nakakahiya talaga.

“Siguro, mas maganda kung gagawan natin ng music video yung kanta mo. Tapos, malay n’yo, ma-discover tayo ng mga international recording studios sa YouTube diba?” Ayan si Aj, super hyper pagdating sa music. Mahilig magplano ng mga medyo imposibleng bagay. Pero magaling din s’yang magbigay ng false hopes! Hayz! Ano nga kaya kung madiscover kami? Hmm…

“Ayaw kasing ipagkalat ni Angel na magaling s’yang composer eh. Marami daw dadating na offers sa kanya ‘pag nagkataon. Eh priority pa naman n’ya ang studies.” Sabi ni Nathan at nagtawanan kami.

Yupz! Pareho kami ni Nathan na inclined sa music. Siguro, isa narin yun sa maraming dahilan kung bakit ko s’ya nagustuhan. Masyadong talentado si Nathan eh. As in! Halos lahat ng instruments, kaya niyang patugtugin. Pero hindi ko alam kung kaya n’ya ang clavichord saka bassoon.

Maya-maya pa, nakatakas na ako sa hawak ni Nathan. Salamat sa tulong ni Mac. Nakasalubong kasi namin s’ya sa garden.

“Aba, Mr. Nice Guy, ganda ng diskarte mo ah! Kung sinabi mo kagad sa akin na kailangang maghanap ng ka-date para hindi tayo pagkaguluhan ng girls, mas na-enjoy ko sana ang party mo.” Sabi n’ya habang kumakain ng barbecue.

“Feeling nga n’ya kakainin s’ya ng lahat ng babae dito kaya ayaw akong bitawan. As if namang kakagatin ko yung mga babaeng yun ‘pag lumapit sila kay Nathan.” sabi ko.

“Hoy! Iayos n’yo ngang dalawa!” napepesteng sagot ni Nathan.

“Eh paano nalang kung kailangang mag-CR ni Angel? Sasama ka parin ba?” kinindatan ako ni Mac na parang nababasa ang iniisip ko.

“Ngayong pinaalala mo yan, Mac, kailangan ko nga talagang pumunta sa CR.” Pagdudugtong ko. Binulungan ko si Mac ng thanks saka ako lumakad.

“Ahh, pupunta ka sa CR? Tara…” sabi ni Nathan habang inaakay ako papasok sa bahay.

“Hoy, Nathan!! Alam ko naman kaya kung nasaan ang CR dito. Bakit sasama ka pa?” Rhetorical question ko yun.

“Pero, baka—”

“At kung inaalala mo kung kaya kong mag-flush ng toilet, don’t worry… napag-aralan ko yan sa private lessons ko with our tubero.”

Hindi napigilang tumawa ni Nathan. At hndi rin n’ya ako napigilang umalis sa tabi n’ya. Sino ba s’ya para pigilan ang tawag ng kalikasan diba? Pero imbis na pumunta ako sa CR, lumiko ako sa kanan patungo sa favorite place ko sa bahay nila… ang kitchen! Gustong-gusto ko talaga ang kitchen nila Nathan. Kumpleto kasi ang mga kagamitan doon kaya masarap magluto. Doon din ako natutong gumawa ng pastries at magluto ng pasta. Magaling kasing chef yung mommy ni Nathan. No wonder kung bakit expert din s’ya sa pagluluto. At dito rin namin napatunayan na “The best way to someone’s heart is through his/her stomach.”

“All done, tita?” tanong ko kay Tita Dina, mommy ni Nathan.

“Almost, hija…” sagot n’ya habang kinukuha ang isang tray ng baked macaroni sa oven.

“Need a hand?” Pumunta na ako sa faucet para maghugas ng kamay.

Humarap sa akin si tita at sinabing, “Hija, ngayon ko lang tatanggihan ang tulong mo sa kitchen. It’s my son’s party and I want you to be there with him. Enjoy… Saka—”

“Whoa! Okee, okee. Pupunta na ako dun before the long and winding sermon… It’s your territory, not mine, and I know that.” Nakangiting sabi ko habang papaalis na sa kitchen with regrets na hindi ako makakapagluto ngayong gabi. Well, meron namang hired cooks si tita, so I know everything will be just as delicious. Pero siyempre, gusto ko paring magluto.

Pumunta ako sa cocktail bar at humingi ng red wine. 7:30 pm na at hindi pa ako nagdi-dinner. Inisip ko tuloy kung masama ba sa tiyan ng gutom ang pag-inom ng red wine. Nevertheless, I took a sip… and then another… and I felt good. Nakipagkwentuhan muna ako sa bartender at nakipagtalo pa sa kanya kung formal o informal nga ba ang party na ‘to. Medyo may class kasi ang decorations saka pang-formal ang food. On the other hand, informal naman ng outfit namin saka merong videoke at barbecue. Nang mapagod na kaming magsabi ng points kung bakit formal at informal ang party na ‘to, nagkasundo nalang kami na tawaging semi-formal ang party.

Nakita ako ni Nathan at lumakad palapit sa akin. Nang biglang…

“Hello, Nathan! Sorry kung na-late ako wah. Nagkaroon kasi ng problem sa house.” Pa-sweetums na epal ng isang babaeng kadadating lang at hinarang si Nathan. Well, okay… medyo may itsura s’ya at sanay mag-make up. Inakay s’ya ni Nathan papunta sa akin. Sa malapitan, simple lang naman s’ya at mukhang mahiyain. Pero considering her daring act with sweetums effect kanina, no way she’s a shy girl.

“Ella, meet Angelica, yung Princess Angel ko…” pagsisimula ni Nathan. I felt proud naman to the highest level dahil pinakilala n’ya akong Princess Angel n’ya sa isang, well, may itsurang babae. I flashed my Close-Up smile na na-perfect ko na ang effect sa mga taong nakakakita nito. (I mean the you-can’t-help-but-smile-too effect…) So, there… we smiled at each other pero medyo may kaplastikan yung smiles namin. Diplomatic smiles, ika nga. “Angel, this is Ella, girlfriend ko…” introduction ni Nathan.


..the party (part 2)..

the party part 1

Nagbigay muna ako ng instructions kay Ate Deng at Kuya Lawrence para hindi malaman ng mga bisita na nasa bahay na si Nathan. I know kasi that they’re all fond of him at ‘pag nakita s’ya, hindi na s’ya makakapagpalit ng damit. So, there! When the coast was clear, dire-diretso kami sa kwarto niya and I automatically opened his closet to choose his clothes. ‘Pag kasi magkasama kami, palaging ako yung namimili ng isusuot niya. Of course, para saan pa’t tinawag akong ‘dakilang fashionista’? Isa pa, maraming damit si Nathan kaya masarap mag-ayos ng clothes complements. This time, I chose a pink polo shirt and khaki pants for him. Nice match! Lahat naman, bagay sa kanya. Pero masaya paring mag-effort ng konti sa pagpili.

He went to the bathroom to take a shower. I waited in his room para ako yung unang makakita ng suot niya. Kung hindi ko talaga s’ya kilala, iisipin kong nalunod na s’ya sa bathtub o nadulas at nawalan ng malay sa bathroom. Pero si Nathan, matagal talagang mag-shower. 30 minutes na ang pinakamabilis. Maarte kasi s’ya sa katawan. Hmf! Daig pa ang babae.

“Oy, Princess Angel ko… what d’yah think?” Nakadantay s’ya sa pintuan ng bathroom at pinupunasan ng twalya ang buhok. Just the most gorgeous pose. Sighs!

“Stunning!” ang tangi kong nasabi.

“You are stunning…” pagbabalik n’ya ng compliment.

“You’re joking!” natatawa kong sinabi. Hindi ako sanay nang sinasabihan ng sweet and flowery words, especially when those words come from Nathan. Nakakailang kasi. Saka nasanay na akong sinasabihan ng panget ng mga tito ko.

“You should definitely know that, Angel.” Sabi niya sa as-a-matter-of-fact na tono. Umupo sya sa ottoman at humarap sa akin saka ngumiti.

“Know that you’re joking? You could surely make me cry with those remarks.” At inirapan ko s’ya na parang batang nagtatampo.

“Hindi kaya! You should definitely know that you are stunning. Got it?”

I just felt na nagba-blush ako. Haynako! Sabi ko naman, I just can’t handle compliments. Hindi ko na iisipin kung stunning ako in a good way or in a bad way. Settle for the positive nalang diba? Well, siguro, I deserve his compliment naman kasi I particularly chose this dress to look sexy. Nakuha ko naman yung gusto kong outcome kasi sa bahay palang, marami na akong papuring narinig. But his compliment? I haven’t thought it would actually materialize.  Jeez! Namumula parin ako.

Pumasok  sa kwarto si Mac. Oh, by the way, si Mac yung best friend ni Nathan pero rivals silang dalawa pagdating sa gorgeous looks. Eh, kung tatanungin ninyo ako kung sino ang mas gwapo, siyempre sasabihin kong si Nathan. Biased ako weh.  Hanggang ngayon, wala paring makapagsabi kung sino nga ang mas gwapo. Hmmm… next time nalang natin yan pag-isipan.

“Hey, Mr. Nice Guy, marami na pong naghihintay sa ‘yo sa baba. Ako ang pinagpe-pyestahan ng mga girls dun eh. Mag-suffer ka din dapat.” Mayabang na sabi ni Mac.

“Ahh, ganun? Sige, we’ll be there in a sec.” tumatawang sagot ni Nathan.

“Isa pa, late ka na sa party mo.” Habol ni Mac habang palabas ng pinto.

“Hey, a prince is never late. Everyone is simply early.” Pagsasalita ni Nathan with matching wave of a hand.

Nagkatinginan kami ni Mac at sabay naming sinabing, “Prince Diaries na pala ang trip mo ngayon ah!” at nagtawanan kaming tatlo.


..the party (part 1)..

“Hey, don’t be such a dunce, man!” sabi ni Kuya Lawrence.


“First, I’m not stupid, duh! Second, I’m not a ‘man’…” badtrip kong sagot.


“Wow! Angelica, you know the word ‘dunce’! Pa-cheeseburger ka naman!” nakangiting sabi niya.


Ooopzz! Hindi po ito commercial… Si Kuya Lawrence ang nagda-drive ng kotse namin habang papunta kami sa bahay nila. Kasama namin si Nathan na nakasakay sa passenger’s seat habang ako naman ang nakaupo sa backseat. Tahimik kaming tatlo sa nakalipas na sampung minuto at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng nakabibinging katahimikan.


“Just drop it, Lawrence.” Hindi ko alam kung bakit mataray ako pero siguro nabadtrip talaga ako dahil ngayon lang nag-effort magsalita ang isa sa kanila. Pang-asar ang tingin niya sa rearview mirror kaya inirapan ko nalang siya.


“Cheeseburger! Cheeseburger!” biglang singit ni Nathan. Huminto si Kuya Lawrence sa gilid ng kalsada (Syempre! Alangan namang sa gitna ng kalsada diba?). Then, sabay silang tumingin sa akin at nagkauntugan sila. Hay! Sino nga naman ba ang hindi maiinis ‘pag may kasamang dalawang ‘dunce’? Pero imbis na maasar ako, humalakhak pa ako ng tawa.


“Nakakatawa rin pala ang katangahan n’yo, noh? Tara, cheeseburger muna tayo!”


Ilang minuto pa, nasa McDonald’s na kami, kumakain ng cheeseburgers, French fries, at chocolate sundaes. Speaking of the food, medyo naubos yung pocket money ko dahil sa magkapatid na kasama ko. Mantakin mo naman, ke-yayamang mga tao nitong mga kasama ko tapos ako pa ang pinagbayad! At ‘di na sila nahiya… Hindi ko alam kung nagugutom lang talaga sila o pinagtitripan nila ako dahil andami nilang inorder. Hmf! Hindi na sila naawa sa isang abang katulad ko. (Nagdrama pa konti!) And speaking of food again, party nila ang pupuntahan namin. I mean, party ni Nathan. In the most common sense, maraming food sa party na yun. Hayz! Pero gusto parin nilang kumain sa isang fastfood chain na puro antataas ng calories ng binebentang pagkain. I’m watching my weight nga eh. Summer vacation kasi ngayon and I tend to gain extra pounds ‘pag bakasyon. Sighs ulit. Sabagay, hindi naman iniintindi ng mga lalaking ‘to ang weight nila. Or is that mass? Mass or weight, whatever! Ayun, basta kain lang ng kain. Hindi naman sila tumataba. In fact, nagkakaroon pa sila ng abs. Siguro, mabilis lang ang metabolism nila. Saka malay ko ba kung nagji-gym sila.


“Hoy, Angelica, gusto mo na bang tumira dito sa McDo? Aba, we still have a party to crash!” sabat ni Kuya Lawrence sa naliligaw kong ulirat.


“Blah blah blah, Lawrence! Party-crashers? Isn’t it stupid to crash one’s own party?” tanong ni Nathan.


“Yeah, it’s stupid… which makes me think that you two would really do it. C’mon stupid nutshells!” may pagka-señoritang singit ko habang binababa sa table yung hindi ko naubos na cheeseburger. Humirit pa ako ng isang lagok ng iced tea at lumakad na papunta sa car.


“FYI, Ms. Blabbermouth, I don’t intend at the very least to crash my own party. Hmm… si Kuya Lawrence lang naman yung nagsasabi ng kung anu-ano diyan eh.” Sabi ni Nathan na hindi talaga kayang tanggapin na tinawag ko syang ‘stupid nutshell’.


Nakikisabay ang mga daldalan namin sa mahinang tugtog ng Air Supply hits sa component ng sasakyan. Hindi parin nila tinitigil ang topic about party, party-crashers, party outfits, party food, party decors, slumber parties, dinner parties, na nauwi na sa political parties. Ano daw?!! Hindi naman ako masyadong nakikinig sa usapan nila dahil mas feel kong pakinggan yung music.


Nakarating naman kami sa bahay nila nang safe. Well, ‘safe’ means flat tire na pinagawa pa sa vulcanizing shop, muddy and rocky road na shortcut daw kaya dumaan pa kami sa car wash, at ketchup na natapon sa jeans ni Nathan. At least, hindi naman kami naaksidente whatever.


Sinalubong kami ni Ate Deng sa parking lot. Napansin kong maraming nang nakapark na sasakyan doon. There are 10 cars at least, and many other motorcycles. Madami palang bisita si Nathan, I see. Bumaba si Nathan at inalalayan ako. He put my hand on his arm and we started walking towards the front door.


“Do you think we should go in through the front door nang ganyan ka ka-messy?” binulong ko kay Nathan.


“Oh, shit! Buti pinaalala mo. I felt great na kasi basta kasama kita weh. (*wink*) Pero, now that I remembered, I really need to change clothes. Hindi naman pwedeng mas gwapo pa sa akin si Mac sa sarili kong party diba?”


“Yep! Dun tayo sa backdoor magdaan. Then, I’ll help you choose your outfit.”